Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Capacio nanaig: Pinto, Bondial unang pumiglas

0 55

Nang aprubahan ng Philipine Basketball Association Board ang panukala na maging unrestricted free agent na ang player na nakapitong season sa liga, ang iniisip ng team mga representative ay kapakanan ng manlalaro.

Panahon ‘yun ni Ely Capacio bilang chairman noong 2005-106.

Nagsimula ang rule mula sa mga draftee ng Class 2014 na nag-expire ng kontrata noong Dec. 31, 2021.

“Pabor ‘yun sa player, kasi p’wede na siyang maghanap ng gusto niyang team,” paliwanag ni commissioner Willie Marcial Biyernes. “’Yung mother team naman, nasa kanya lahat ang pagkakataon na magbigay ng bagong offer hangga’t hindi pa nag-e-expire kontrata ni player.”

SM food to go Banner Ad

Ganito ang nangyari sa kaso nina Stanley Pringle at Kevin Alas na 1-2 sa Draft. Bago pa mag-expire ang kontrata pumirma ng extension, si Pringle sa Ginebra at si Alas sa NLEX.

May bagong deal din sa Road Warriors si Chris Jericho.

Unang sumunggab sa bagong rule sina John Pinto ng Meralco at Rodney Brondial ng Alaska.

May offers ang Bolts at Aces, pero tinanggihan ng dalawa. Tumalon si Pinto sa Ginebra, nasa San Miguel na si Brondial.

Hindi pa nagkakasundo si Chris Banchero at Phoenix. Si Juami Tiongson ay may kontrata pa sa Terrafirma. (Vladi Eduarte)

Leave A Reply

Your email address will not be published.