Abante Tonite Interactive

Pinto-Eriobu trade aprub kay Marcial

229

Inaprubahan na ni PBA Commissioner Willie Marcial nitong Lunes ang trade sa pagitan ng Blackwater at Phoenix.

Mula Elite, papunta na ng Fuel Masters si John Pinto kapalit ni big man Joseph Eriobu. Binigyan ng Phoenix si Gelo Alolino ng unconditional release, pero hindi pa napipinalisa kung sasaluhin din ng Blackwater.

Maganda ang nakalipas na season para kay Pinto. Habang minamanduhan ang backcourt ng Blackwater, nag-average ang guard na produkto ng Arellano U ng 6.6 points, 3.2 rebounds at 4.2 assists.

Pumupukol ng 52.2 percent mula 3-point range, kandidato pa ang 28-anyos na 5-foot-11 guard sa Most Improved Player ng 2017-18.

Humihingi si Pinto ng three-year contract pero hindi kinagat ng Blackwater na nag-offer naman ng two-year deal. Hindi nagkasundo ang magkabilang kampo.

Second round (19th overall) pick ng GlobalPort si Pinto noong 2014, sumunod na season ay napunta ng Mahindra (Columbian Dyip) bago tumawid sa Blackwater noong 2016.

Mula Mapua ang 6-foot-4 Fil-Nigerian na si Eriobu, fourth pick overall ng Mahindra noong 2016 pero bihirang magamit sa Phoenix. ()