Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Pinto ng mga bus, ililipat sa kaliwa

0 293

Oobligahin ng Metro Manila Development Aurhority (MMDA) na ilipat sa gawing kaliwa ang pinto ng mga bus na bumibiyahe sa Edsa para iwas-aksidente sa.mga lansangan.

Sinabi ni MMDA chairman Danilo Lim na kailangan itong sundin ng mga bus operator kasunod ng paglalagay ng mga bus stop sa kaliwang bahagi ng Edsa.

“We will require lahat ng buses na ilipat ang sakayan at babaan sa kaliwa na rin. Isang pasukan isang babaan para mabilis at hindi magtatagal,”ani Lim.

Dagdag ni Lim, kalimitan ding dahilan ng aksidente sa Edsa ang pag-ikot ng mga pasahero pagbaba sa bus kaya nahahagip sila ng mga dumaraang sasakyan.

Nakakasagabal din aniya sa daloy ng trapiko ang pagmani-obra ng mga bus para maibaba o maisakay ang mga pasahero at madalas ay nareresulta pa ito sa bungguan ng mga sasakyan. (Mia B. Billones)

Leave A Reply

Your email address will not be published.