Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Pinto ng mga bus ililipat sa kaliwa

0 425

Natatawa ako sa nabasa kong balita nitong mga nakaraang araw na nagsasabing ililipat daw sa kaliwa ang mga pinto ng mga bus na bumibiyahe sa EDSA sa ilalim ng bagong traffic scheme na inner left lane at second inner left lane para magamit ang mga pedestrian overpass at mga hagdan ng MRT sa gitna sa ilalim ng istasyon nito.

Plano daw ito ng MMDA upang masigurado ang kaligtasan ng mga pasahero dahil kung sa may barrier sa kanan ang gagamitin sa pagsakay at pagbaba, baka maapektuhan ang espasyo ng ibang natitirang lane.

Kung talagang seryoso sila sa left entrance na bus, puwede nilang ibalik ang importasyon ng mga segunda manong bus sa Japan dahil nangyari na ito dati at kita naman na ang ang mga idinadating dito ay maayos pa.

Nagkasira-sira lang ang mga importend na segunda-mano dahil sa hindi maayos na conversion mula sa kanan patungo sa kaliwa ng manibela at mula sa kaliwa patungo sa kanan ng mga pintuan.

Pero sa situwasyon ng EDSA na halos wala namang sagad sa kaluluwa na pakurbang liko, puwede na ang mga right hand drive na bus, bentahe pa nito, kita ng driver ang barrier dahil nasa tabing tabi niya at sa kabila naman ay bangketang bangketa na ang pintuan.

Ang tanong lamang ay kung ano ang gagawin sa mga units na ginagamit ngayon? Puwede silang pamalit sa ruta ng dyip tutal malabo naman nang makabalik sa kalye ang mga 4ba1, 4bc2, 4dr5 na halos ay nakakabit sa lahat ng dyip na pumapasada.

Puwedeng balikan ang kasaysayan ng mga malulupet na aksidente na ang sangkot ay mga converted na sasakyan, trak, bus, para maging batayan ng sinulat ko na ito.

Ang isa pa sa kagandahan sa right hand-drive na bus na nasa kaliwa ang pinto ay hindi ito magagamit sa pangogolorum dahil kung ibibiyahe ito sa ibang kalsada, halatado na agad na hindi siya para doon, hindi na kailangang hanapin pa ang papeles.

Kung tawagin dati ang mga imported na bus galing sa Japan ay Japayuki, naka-air suspension, maganda ang upholstery at talagang maporma.

Sana kung hindi bibitawan ng MMDA ang naturang proyekto, maglagay din sila ng escalators sa babaan at panhikan para talagang walang reklamo ang mga mananakay.

Kuwentuhan po tayo sa FB paki-add lang ako @Carlito Evangelista.
Ayos ba?

Leave A Reply

Your email address will not be published.