Abante Tonite Interactive

Pintor ginilitan, tinadtad ng saksak

449

Wala nang buhay nang matagpuan ang isang pintor nang tadtarin ito ng saksak nang hindi nakilalang salarin sa Batangas City noong Martes nang umaga.

Bukod sa mga tama ng saksak, ginilitan pa ang leeg ng biktimang si Rommel Manalo, 50-anyos, residente ng Brgy. Sta. Rita Karsada.

Ayon sa report ng Batangas City police, natagpuan ng isang residente ang bangkay sa gilid ng maliit na daan patungo sa kanyang bahay bandang alas- 7:00 nang umaga.

Posible umanong hinarang ng suspek ang biktima habang papauwi sa kanila noong Lunes nang gabi.

Huling nakita ang biktima na nakikipag-inuman sa mga hindi natukoy na kalalakihan noong gabing yun.

Inaalam pa ang motibo sa krimen at kung sino ang suspek. (Ronilo Dagos)