Abante Tonite Interactive

Pintor sa Davao dapat tularan ng Panday Sining

238

Dear Abante Tonite:

Lumabas sa isang Facebook post ang “Wall of Peace” mural sa Davao. Proyekto ito ng Police Regional Office sa Region 11. Ipininta ito ng mga local artist at ipinakita na sa publiko.

Maganda ang pagkakapinta at masasabing pasok sa banga ang mensahe kung ano ang nais ipahiwatig sa mga tao ng painting na ito.

Unahin ang pamilya, hindi ang pagiging aktibista. So, in short gusto lang iparating ng mga taga-PRO 11 na mas mabuting huwag maging aktibista para hindi maging terorista. Timbangin pa rin ang kahalagahan ng pamilya. Walang mauuto kung walang magpapauto dahil ang terorismo ay responsibilidad nating mga Pilipino.

Hamon ito sa Panday Sining. Kung ang gusto nila ­magpaabot ng mensahe sa mamamayan at sa ­kinauukulan, ganito dapat ang ipinta nila at least ito hindi masakit sa mata at talagang may kwenta.

Glenda Santos