Abante Tonite Interactive

Pintor tinarakan ng kuya

238

Sugatan ang isang pintor matapos saksakin ng kanyang nakatatandang kapatid nang tangkain niya itong awatin sa panununtok sa dalawa nilang pinsan kamakalawa sa San Andres Bukid, Maynila.

Ginagamot ngayon sa Ospital ng Maynila ang biktimang si S­amuel Lula Jr., 33-anyos, dahil sa tama ng saksak sa mukha. Nasaktan din ang pinsang sina Resty Grueso, 18, at Richard Grueso, 21, facility attendant, kapwa taga-San Andres.

Arestado naman ang suspek na si Melchor Lula, 35.

Abante Hiring – IT dep

Ayon sa Manila Police District-Police Station 6, alas-9:40 nangg gabi nang maganap ang insidente di kalayuan sa kanilang taha- nan sa Onyx Street, San A­ndress Bukid.

Bago ang pananaksak, nakatayo lamang umano si Richard sa tapat ng isang ihaw-ihaw store nang bigla na lang itong lapitan ng suspek at sa di pa batid na kadahilanan ay kaagad na sinuntok sa mukha.

Nakita naman nina Resty at Samuel ang pangyayari kaya lumapit at tinangkang awatin ang suspek pero maging si Resty ay sinuntok rin nito sa mukha.

Inawat naman ni Samuel ang kapatid pero sa halip na huminahon ay pinagbalingan pa siya nito ng init ng ulo at kaagad na sinaksak sa mukha ng kutsilyong may 10-pulgada ang haba. (Juliet de Loza-Cudia)