Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Pinulikat na seaman nalunod

0 90

TODAS ang isang seaman matapos itong malunod habang naliligo sa isang beach resort sa Laoag City, Ilocos Norte noong Miyerkules.

Ang biktima ay si Roderick Acio, 44, ng nasabing bayan.

Sa report ng Laoag City Police Station (LCPS), ang biktima kasama ang ilang kaibigan ay pumunta sa isang beach resort sa Barangay Navotas, Laoag City.

Sa salaysay ng kapatid ni Acio, habang lumalangoy ay humingi umano ng tulong ang biktima dahil pinulikat ito at tinatangay ng alon.

Tumagal ng 15-minuto ang rescue operation pero hindi na naisalba ang biktima. (Allan Bergonia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.