Abante Tonite Interactive

`Pinuno’ Lito Lapid kargador ng relief goods

1,817

Pinangunahan ni Senador Lito `Pinuno’ Lapid ang pamimigay ng mga relief goods sa kanilang mga kababayan sa Pampanga bilang tulong sa kanyang mga Cabalen sa panahong nasa ilalim tayo ng enhanced community quarantine.

Batid ng senador ang hirap ng mga kababayan lalo sa pagbili ng makakain sa araw-araw kung kaya’t to the rescue ito para mamigay ng pagkain para masigurong walang magugutom sa gitna ng krisis na dulot ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Bukod sa mga ipinamigay na pagkain, mga face shield at thermal scanner naman ang handog na tulong ni Senador Lapid kasama si Konsehal Maynard Lapid sa mga magigiting na frontliner sa COVID-19 crisis,

Naka-lockdown man ang buong Luzon, hindi mapipigil si Lapid sa pagtulong dahil na sa puso nito ang mga kababayang nangangailangan.

Naging `Pinuno’ ang tawag sa senador dahil ito ang katawagan sa kanyang karakter na ginampanan sa `FPJ’s Ang Probinsyano’ na pinagbibidahan ng aktor na si Coco Martin.

Tonite – Wendys Inhouse Ad