Abante Tonite
Mabilis sa Balita

`Pinuno’ maagang namudmod ng pamasko

0 87

Malayo-layo pa ang Kapaskuhan subalit nakatanggap na kaagad ng maagang regalo mula kay Senador Lito `Pinuno’ Lapid ang mga kababayan nitong senior citizen sa Porac, Pampanga.

Nabatid na nagpamudmod ang senador ng maagang pamasko sa mga senior citizen sa barangay ng Babo Sacan sa bayan ng Porac.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Para kay Lapid, nasa gitna man aniya ng pandemya ang bansa ay hindi dapat kalimutang maramdaman at iparamdam ang Kapaskuhan lalo na sa ating mga lolo at lola.

Ang palayaw na `Pinuno’ ay mula sa karakter na ginampanan ni Lapid sa `FPJ’s Ang Probinsyano’. (Dindo Matining)

Leave A Reply

Your email address will not be published.