Abante Tonite Interactive

Pinutol ang ulo ng aso

313

Dear Dream Catcher,

Ako po ay nanaginip na parang may nangyayari pero hindi ko po alam kung ano basta ang malinaw ko lang pong natatandaan ay may natutulog na asong nakahiga at ‘di ko alam kung anong me­ron pero bigla raw akong kumuha ng axe, ‘yung pangkahoy tapos pinutol ko ‘yung ulo ng aso. Imagine, ‘yung nagbibiyak ng kahoy para ipanggatong ganon po ang pagkakaputol ko sa ulo ng aso tapos big­lang may dumating na mga kaibigan ko raw pero sa aktwal ay hindi ko naman sila kilala. Parang balewala lang sa kanila nu’ng nakita nila ‘yung aso na patay na at wala nang ulo. Parang normal lang, wala man lang silang naging reaction dun samantalang ako habang nag-uusap-usap sila ay iniisip ko ang batas na bawal ‘yung ginawa ko kaya baka hulihin ako ng pulis.
Erika

Erika,
Ang aso sa panaginip ay sumisimbolo sa loyalty. Ang pagpatay mo sa aso ay isang indikasyon na pinag-iisipan o ikinukonsidera mong magtaksil o magtraydor sa isang taong malapit sa iyo.

Ang iyong panaginip ay bayolente lalo na’t wala ka namang nasabi kung bakit kinailangan mong patayin ang aso. Na­ging napakabayolente rin ng paraan ng pagpatay mo sa aso gamit ang isang palakol na tila nagsisibak ka lamang ng kahoy.

Pero sinabi mo ngang hindi mo na natandaan ang ibang bahagi ng iyong pa­naginip kaya maaari namang may dahilan kung bakit mo pinatay ang aso.

Makabubuting pag-aralan mo ang iyong sitwasyon sa ngayon o maaaring nangyari nang sitwasyon. Meron bang pangyayari sa buhay mo na kinailangan mong traydurin ang isang taong malapit sa iyo? Puwede rin namang ikaw ay nasa isang relasyon pero nakakaramdam ka ng pagtingin para sa ibang lalaki. At kahit wala kang intensyong pagtaksilan ang iyong karelasyon,
nararamdaman mong tila pagtataksil na rin ang ma-attract ka pa sa iba. Kaya marahil sa iyong panaginip ay naiisip mong labag sa batas o mali ang ginawa mo at kinatatakutan mong mahuli ka.

Related Posts

Maaari rin na ang pagpatay mo sa aso ay maikonek sa plano mong pagpu­tol sa isang relasyon. Alam mong masasaktan ang iyong karelasyon pero kaila­ngan mong gawin ang pagputol sa paraang mabilisan, walang paligoy-ligoy para matiyak na putol agad tulad ng ulo ng asong pinutol mo sa panaginip mo.

Puwede rin naman na hindi relasyon sa pag-ibig dahil puwede rin itong ikonek sa relasyong pangkaibigan.

Ang mga kaibigan mo sa iyong panaginip ay reprentasyon lamang ng mga tao sa paligid mo. At kung sa aktwal na buhay ay karapat-dapat nang putulin ang isang relasyon, posibleng iyon ang koneksyon kaya dedma lamang sila sa ginawa mo sa aso.

Sa kabuuan, ta­nging ikaw ang makakapagbigay ng eksaktong interpretasyon sa iyong panaginip kaya pag-aralang mabuti ang iyong sitwasyon at gamitin ang mga halimba­wang nabanggit para makabuo ng pinakamalapit na interpretasyon ng iyong panaginip.

Dream Catcher

DISCLAIMER: Ang DREAM CAT­CHER ay nagbibigay lamang ng general information tungkol sa mga kahulugan ng ating panaginip. Wala itong kinalaman sa relihiyon, kulto o anumang ispiritwal na aspeto ng buhay. Sa mga gustong isangguni ang kanilang panaginip, mag-email sa abantedreamcatcher@gmail.com.