Abante Tonite Interactive

Pinya pangontra sa cancer

386

Sa kabila nang mahabang panahon na pananaliksik, hanggang ngayon ay wala pa ring nakikitang mabisang panglunas para sa sakit na cancer.

Isa sa karaniwang paraan nang paglaban sa sakit na ito ay ang pagsasailalim sa chemotherapy drugs, subali’t kapalit nang panandaliang lunas ay ang pagkadamay ng mga healthy cells ng isang maysakit. Kaya sa halip na mapahaba ang buhay ay lalong napapadali dahil sa tuluyang pagkasira at paghina ng immune system na tumutulong sa paglaban sa cancer.

Maraming natural compound ang nadiskubre na makakatulong sa paglaban sa cancer, na may epek­to na tinatawag na ‘selective cytotoxicity’ na ang ibig sabihin ay kayang patayin ang cancer cells na hindi naapektuhan ang mga healthy cells at tissues ng katawan.

Ang pinya ay nagtataglay ng ‘bromelain’, isang uri ng enzyme na kayang patayin ang cancer cells. Makikita ang protein-digesting enzyme sa pinaka-stem at core ng pinya. Ginagamit ang digestive enzyme na ito sa maraming supplements, health treatments at ilang skin care products.