Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Piolo, Alex, Bayani ‘di na makakabalik sa DOS

0 428

ROMMEL PLACENTE:Sa latest vlog ni Ogie Diaz,sinabi niya mga ka-Cuatros,na kapag nakabalik na ang ABS CBN sa ere,na nabigyan na uli ito ng prangkisa,ay hindi na nila tatanggapin ang mga artistang umalis sa kanila.’Yung mga artistang lumipat na nga raw sa ibang istasyon tapos nanghihikayat pa ng ibang mga artista sa Dos na lumipat na rin. Nagbigay siya ng dalawang inisyal ng pangalan.Ang isa ay B at ang isa ay M. Hindi kaya ang tinutukoy ni Papa O na B ay Billy Crawford? At ang M naman ay Maja Salvador?.Alam naman natin na umalis ang dalawa sa Dos at lumipat sa TV5 di ba? Sa kanila nga kaya masama ang loob ng Kapamilya network ?

RODEL FERNANDO Feeling ko letter B as in Bravo, saka M as in Mama. ‘Yang feeling niya na yan ay puwedeng totoo dahil knowing Ogie na hindi basta-basta magpapakawala nang ganyan kung wala siya nalalaman. Siguradong reliable ang source niya .

At kung sina Maja nga at Billy ang nasa vlog niya na idinaan sa blind item parehong talented at malaki na ang mga pangalan ng mga ito. Sigurado namang hindi sila mawawalan ng work. Si Billy hindi yan pababayaan ng Viva habang si Maja ay for sure hindi naman bibitawan ng Kapatid Network o baka maisipang lumipat sa Kapuso.

MILDRED BACUD: Mga ka-Cuatros isa pang letter “B” na posible ring ‘di makabalik ay si Bayani Agbayani. Nung lumipat kasi siya sa TV 5 sabi niya di naman siya aalis sa Kapamilya dahil kasama pa siya sa season 2 ng I Can See Your Voice Ang ending pinalitan na siya ni Long Mejia. Feeling ko rin hindi lang “M” at ‘B” ang di makakabalik. Yung dalawang P at A makakabalik pa kaya?

SM SuperKidsDay Banner Ad

ROLDAN CASTRO: Ka-Cuatros Mildred sina Piolo Pascual at Alex Gonzaga ba ang tinutukoy mo? Umalis din kasi sila sa ABS-CBN at nagtrabaho sa TV5.

Pero feeling ko si Papa P maayos naman siya noon na nagpaalam sa management ng Dos. Kung may magandang project at bagay sa kanya ay makakabalaik siya. Nasa estado na si Piolo na puwedeng tumawid kahit saang istayon.

Si Alex keri rin na magpahinga siya para asikasuhin ang bago niyang pamilya pag nawalan ng show sa TV5. Bukod dito malaki naman ang kinikita niya bilang vlogger.

Pak!

Leave A Reply

Your email address will not be published.