Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Piolo, BB magkikita sa korte

0 548

NI: ARCHIE LIAO

Maraming sympathizer ni Piolo Pascual ang kumokondena sa ginawa ni BB Gandanghari sa pagdadawit nito ng pangalan ng actor tungkol sa kanyang pasabog sa YouTube.

May mga nagsasabing malaki ang damage nito sa career at reputasyon ni Papa P. Dapat daw ay magkita sila sa korte. Para naman sa mga concerned sa actor, dapat na kasuhan ni Piolo si BB ng cyber libel.

Hirit naman ng legal experts, kung mapatunayan mang guilty si BB ng paninirang puri , madali raw mai-prove ang malisya.

Gayunpaman, mahirap daw itong mag-prosper lalo pa’t si BB ay naka-base sa Estados Unidos at doon naganap ang kanyang mga pasabog.

Kumplikado rin daw proseso ito dahil mahihirapang litisin ang kaso na hindi nangyari sa bansa.

May mga nago-opinyon naman na hindi ito makakaapekto sa career ng actor dahil ilang beses na ring nasangkot si Piolo sa mga kontrobersya .

Sa kaso naman ni Piolo, nananatiling tahimik lang siya sa isyung pinasabog ni BB.

Sa kabila ng lahat, nadaragdagan pa nga ang nagtitiwala sa kanya sa mga endorsements at iba pang proyekto.

Leave A Reply

Your email address will not be published.