Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Piolo, Bea, Sarah pinuntirya: Angel type hawakan ng sindikato

0 772

Hindi lang ang fan page nina Bea Alonzo, Piolo Pascual, Sarah Geronimo ang target ng sindikato, pati na rin kay Angel Locsin

Inalok din daw ang administrator ng fan page ni Angel kung puwede itong bilhin.

Palaisipan ngayon ang motibo kung bakit gustong agawin ang mga fan page ng mga big star.

Post ni Angel sa kanyang IG story, “ After reading Bea’s post na may bumibili ng mga accounts ito rin ang nabasa ko…Sabi nga ni Bea, you be the judge.

“ What’s happening?,” tanong pa niya.

Pinag-iingat ng aktres ang mga admin ng

Kanyang fan page. ‘Wag daw magpapaloko.

Ayon sa mga dalubhasa, posibleng gamitin sa masamang agenda ‘pag ipinagbili ang naturang fan account.

Dedmahin na lang daw ito bago masindikato.

Aktor nagsasangla ng OR/CR

Grabe na ang krisis ngayon sa showbiz dahil sa COVID-19.

Madalang pa rin ang taping kaya kinakapos na rin ang ilang artista.

Nahihirapan silang mag-adjust at magtipid lalo’t sanay sila sa maluhong buhay.

May tsismis na isang aktor ang nagsasangla umano ng OR/CR (Official receipt at Certificate of registration) ng kanyang sasakyan.

Meron namang online show ang aktor pero super liit ang TF. Hindi magkasya sa gastusis.

Kilala ang aktor na magarbo sa lifestyle at paboloso sap era.

Talbog!

Leave A Reply

Your email address will not be published.