Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Piolo biktima ng maling paratang

0 339

NI:ROLDAN CASTRO

Kawawa si Piolo Pascual. Biktima ng maling paratang. Alamin muna ang totoo. ‘Wag siyang bitayin sa social media. Puwede ring nabigyan lang ng ibang kulay ang nangyari.

Hindi na kailangang pagdudahan o kuwestiyunin ang loyalty niya sa ABS-CBN 2. Ilang beses na niyang pinatunayan ‘yan. Hindi rin yan gagawa ng isang hakbang na hindi nagpapaalam sa Star Magic.

Hindi siya magtatagal sa Dos kung wala siyang utang na loob.

Hindi ang isyung ito ang magpapabagsak sa kanya. Mabuting tao si Papa P. Ramdam namin ang katapatan niya.

Tingnan niyo sa ibang araw may bago na naman siyang endorsement dahil pinaniniwalaan ang kredibilidad niya.

Pak!

Leave A Reply

Your email address will not be published.