Abante Tonite Interactive

Piolo buhay probinsya sa quarantine

3,573

NI: RONA RONDA

Buhay probinsya si Piolo Pascual ngayong ipinapatupad ang enhanced community quarantine.

Hindi naman pinalagpas ng admin ng fans club ni Papa P na mabigyan sila ng kaunting pampagana dahil naka-1M views ang first video niya sa TikTok. Sa latest post ng piolopascual_ph sa Instagram, naka-topless ang kanilang idolo na nakasakay sa hammock.

“Ito ang para sa inyo, pampa taas ng immune system… Vitamin P! haha! buhay probinsya si Mayor.. haha! we miss you,” saad ng caption.

Sey naman ng mga netizen, sana ay mag-post pa umano ito ng TikTok videos na kinabaliwan ng iba sa kilig.

Tonite – Wendys Inhouse Ad