Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Piolo buking ang paraiso

0 2,957

Sa ikalawang bahagi ng vlog ni Dra. Vicki Belo, sinugod nila ng mister na si Hayden Kho ang maganda at malawak na mansyon ni Piolo Pascual na matatagpuan sa mabundok na bahagi ng Mabini sa Batangas.

Doon namamalagi ang kanyang ina at iba pang miyembro ng pamilya samantalang siya ay madalas na nasa dating dive resort na nasa ibabang bahagi ng kanyang pinapangarap na eco village.

Dahil matarik ang daan papuntang mansyon, hindi kinaya ng sasakyan ng mag-asawang doktor ang pag-akyat dito.
Kaya naman, wala silang choice kundi ang maglakad papunta sa tagong paraiso ni Papa P.

Nang marating nila ang lugar, kinabiliban ng mga netizen ang magarang mansiyon ni Piolo Pascual na kanyang ipinagawa sa itaas ng bundok.

Dahil doon namamalagi ang kanyang inang si Mommy Amelia, sinigurado ng actor na kumportable ang bahay na kanyang ipinagawa.

Inilibot ni Piolo sina Vicki at Hayden sa iba’-ibang parte ng mansyon tulad ng kanyang gym, sala na may iba’t-ibang dekorasyon at isang private pool kung saan makikita ang napakagandang tanawin ng dagat sa ibaba.

Kapansin-pansin din ang pagiging plantito ni Piolo dahil napapalibutan ang bahay ng iba’-t-ibang klaseng halamang nakatanim.

Naabutan naman ng mga panauhin si Mommy Amelia habang abala sa tinatapos na beadwork kung saan dinidisenyuhan niya ng beads ang isang larawan para magkakulay ito.

Maraming humanga sa actor sa pagiging masinop nito sa pera.

Sey ng mga netizen, masuwerte raw si Papa P dahil halos nasa kanya na ang lahat: pera, katanyagan at mala-Adonis na pangangatawan.

Iisa na lang daw ang kulang sa actor: ang asawa na mag-aalaga sa kanya.

Rocco ,Melissa, magkasamang naliligo

Maraming itinuro sa Kapuso actor na si Rocco Nacino ang pag-aasawa.

Kung noong binata pa siya ay sarili lang niya ang iniintindi niya, iba na raw ang senaryo mula nang maging mister siya sa star volleyball player na si Melissa Gohing.

Sa panayam sa “Sarap Di ba?” sinabi rin niya na masaya siya sa bagong estado ng kanyang buhay.

Sa loob daw ng tatlong buwan nilang pagsasama sa isang bubong ng misis, marami raw silang nadiskubre at patuloy na nalalaman sa isa’t-isa.

“It’s really, really, different. Iba talaga yung feeling. Kasi everyday makikita mo siya paggising mo, araw-araw may bagong discovery, may bagong lesson in life,” kuwento ni Rocco.

Kung noon daw ay laging nasa labas siya, ngayon ay mas nawiwili siyang nasa loob lamang ng bahay kasama ang misis.

Marami rin daw silang mga bagay na
sabay na ginagawa tulad ng pagwo-workout at pagsasalo sa pagkain.

Kung ang iba ay asiwa na sabay na naliligo, iba raw ang kaso nina Rocco at Melissa.

“Magkasama kami mag-CR, magkasama kami maligo. Ganu’n na ang buhay mag-asawa. It’s so much fun!”, pagbabahagi ni Rocco.

Sey naman ng mga netizen dahil adjusted na sa buhay may asawa, sigurado raw na kabisado na ni Rocco ang kiliti ng Melissa.

Vice bet ng ermat gayahin si Joel Cruz

Sa vlog ni Vice Ganda, nabanggit ng kanyang Nanay Rosario na bago sana siya mawala sa mundo ay gusto niyang magkaapo sa It’s Showtime host.

Aniya, sayang daw naman kasi ng naipundar ng unkabogable star kung wala itong tagapagmana.

“Gusto ko anak kasi iniisip ko, sayang ‘tong mga ipinundar mo anak na walang magmamana.
“Kanino mapupunta ito, kami nama’y patanda na. Maliban doon sa dalawang pamangkin mo. Pero iba talaga ‘yung may sarili ka,” sey ni Mommy Rosario.

Hirit pa ng mahal na ina ni Vice, gusto nitong tularan ng anak ang pamosong King of Scents na si Joel Cruz na biniyayaan ng maraming anak kahit pa miyembro ng LGBT.

“Kaya nga nung si Joel Cruz, nabalitaan ko, sabi ko, ‘Ay nako sana si Tutoy ganito rin. Ang cu-cute ng mga anak,'” pahayag ni Nanay Rosario.

Leave A Reply

Your email address will not be published.