Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Piolo, Catriona, Maja walang ingay ang show

0 471

RODEL FERNANDO: Totoo! Marami pa ring shows ang TV 5 na mababa ang ratings lalo na sa mga bagong ipinapalabas. Ang pagbabalik ng Talentadong Pinoy ay hindi rin maingay. Siguro dahil mas sanay ang mga tao na nasa studio ito at live.

Hindi rin todo ang pagkagat ng mga tao sa mga bagong game shows ng network na ang mga host ay sina Wally Bayola, Paolo Ballesteros, Jose Manalo at Pokwang. Sa totoo lang ang gaganda ng mga programang ito pero hindi masyadong tinatangkilik ng masang Pinoy. Nakakapanghinayang lang kasi very entertaining ang mga ito at nakakatulong pa.

Kung meron mang napapansin na bagong show sa naturang network ay ang show ni Billy Crawford na Masked Singer Pilipinas. Kahit paano ay nakakakuha na ito ng atensiyon sa mga manonood. Maski ‘yung mga show pa na replay na gaya ng Marimar at Betty in New York ay pinapanood din.

MILDRED A.BACUD: Mukhang kailangan pang paingayin nang husto ang mga bagong programa ng TV 5 lalo na ang SNL nina Piolo Pascual, Catriona Gray at Maja Salvador. In fairness maganda naman ang produksyon na maraming nagsasabi ay extension ng ASAP Natin ‘To. Pero nakukumpara pa rin kasi dahil kahit big stars ang mga hosts, kulang pa rin daw sa dami ng malalaking artista ng ASAP. Mas gumanda pa nga raw ito mula ng palitan ng bagong direktor na si Joane Laygo.

Naging kuwestyon din na wala pang ilang buwan ay nag-replay na agad ang SNL 2 weeks ago. Ang idinadahilan nila ay nagkaroon ng technical problem.

Mahina rin daw sa social media ang programa at hindi masyadong nagti-trending.

Ano nga ba ang kulang bakit rating wise ay hindi pa ganun kataas ang mga bagong shows ng TV5?

Naku mga ka-Cuatros, hindi man ganon kalawak ang Kapamilya network ngayon, balita namin the’yre rehiring their other employees na daw ulit. Mukhang di pa rin talaga sumusuko hanggang sa maibalik sila sa dating kinalalagyan.

Sa TV5, mas pagandahin pa talaga dapat nila ang shows nila.Una sigurong ayusin ay ang kanilang signal dahil ‘yun pa rin ang reklamo ng ilan sa malayong lugar, ang malabong reception. As for GMA, swerte rin naman dahil kahit karamihan ng pinapalabas nilang show ay replay, mataas pa rin ang rating at kumikita

ROMMEL PLACENTE: Ginawa na lahat ng TV5 ang dapat nilang gawin para maging kasinglakas o maituring din silang giant network gaya. Marami na silang magagandang show at meron na rin silang variety musical show.na sikat ang mga host.Pero anong nangyari at hindi pa rin sila kinakagat masyado ng televiewers? Na ang iba nilang show ay mababa pa rin ang rating?

Hindi kaya dahil ang mind set ng tao ay nasa Kapamilya at Kapuso network lang? Sa dalawang istasyon lang talaga sila nakatutok . Pero naniniwala kami na aalagwa rin ang Kapatid network. Darating din ang time na kikilalanin silang malaking network lalo na’t marami silang paparating na magagandang bagong shows. Ang mga televiewers sana ay tumutok din sa TV5, ‘di ba?

ROLDAN CASTRO:Kailangan pa talaga ng pukpok para umingay ang mga shows ng TV5. Nag-uumpisa pa lang naman sila kaya bigyan ng chance na mamayagpag.

Ang importante kahit pandemya ay may alternatibo ang mga televiewer na mamili ng mga panonoorin.

Wish namin na magkaroon ng maraming commercials at makabawi ang mga proyekto ng Brightlight Productions (blocktimer ng Singko) para lalong dumami ang mabigyan nila ng trabaho at matulungan. Kumbaga, gaganahan ang producer ng Brightlight na mag-prodyus pa ng maraming tv show pag kumita ito.

Kailangan lang siguro mag-isip ang TV5 at Brightlight ng matinding pakulo para sa kanilang mga shows.

Mahalaga na makumbinse ang mga tao na sila ang panoorin. Lalo na ngayon na tumitindi ang kompetisyon sa GMA 7 at A2Z. Sumasabay na rin ang Net 25 na maghain ng mga commercial shows.

Leave A Reply

Your email address will not be published.