Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Piolo, Catriona tagilid sa ASAP, AOS

0 7,157

NI: ARCHIE LIAO

Ngayong araw pa lamang magsisimula ang tapatan ng ASAP sa bagong Sunday noontime variety show ng TV5. Meron pa silang kasabay na All-Out Sundays ng GMA 7.

Kanya-kanyang kuda na agad ang viewers kung kaninong show ang mas tatangkilin ng madlang pipol.

Obserbasyon ng ilan, tila tagilid daw sina Piolo Pascual, Catriona Gray at Maja Salvador na pataubin ang pinanggalingang show.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Nakukulungan pa rin sila sa pagiging Ultimate Dance Party ng show kesehodang sinahugan pa ito ng Catriona Gray, Donny Pangilinan at Jake Ejercito.

Kung showdown at showdown din daw, malamang na pakainin ng OPM icons ng ASAP ang nasabing show ng Kapatid channel.

Yes, may boses sina Piolo at Cat, may kadyot naman sa pag-indak si Maja,pero ano raw ang panama nito sa magagaling at award-winning singers at musical performers ng Kapamilya channel.

Meron pa diyang AOS ng GMA 7 na tampok sina Alden Richards, Julie Anne San Jose, Ken Chan, Rita Daniela , Rayver Cruz.

Sapat na raw ba ang charm nina Piolo at Cat para maka-attract sila ng viewers at makabog nila sina Gary, Martin, Zsa Zsa, Sarah, Ogie at Regine ng ASAP o ang liwanag nila ay kumukuti-kutitap lang?

Leave A Reply

Your email address will not be published.