Abante Tonite Interactive

Piolo, Claudine tuloy na ang shoot sa Europe

1,184

Masaya si Claudine Barretto na tinupad ni Direk Cathy Garcia-Molina ang kanyang pangako na gawan sila ng pelikula ni Piolo Pascual.

Noon daw kasing ginagawa pa nila ang “Milan” ni Piolo, assistant director na ito.

Sey niya, may lambing pa raw siya noon na kung papasukin nito ang pagdidirehe, huwag silang kakalimutan ni Piolo.

“She stayed true sa promise niya,” aniya. “I would love to work with her because I know how she is sa set bilang A.D. and bilang director,” pahabol niya.

Ibinunyag din niya na kukunan ang kanilang pelikula ni Papa P. sa Europa.

“I started packing already so ‘yun. We are leaving for Prague or France, end of October or end of September for my movie with Piolo,” lahad niya.

Excited na rin siyang makatrabaho si Piolo na itinuturing niya sa mga best friends niya sa showbiz. (Archie Liao)