Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Piolo, Dennis bet sa BL serye

0 505

MILDRED A. BACUD: Nagsimula ang BL series sa Thailand, na sinundan na ng hindi na mabilang na BL.series dito sa Pilipinas.

Bakit nga ba parang kabute na nagsulputan ang ganitong tema nag serye? Ibig bang sabihin ay tanggap na ng Filipino audience?

Hindi naman lahat maganda, basura pa nga kung ilarawan ang iba. But in fairness may mga magaganda rin at pang-award din naman tulad ng Gameboys, Hello Strangers, In Between, Ben X Jim, My Extra Ordinary at iba pa.

Fad lang kaya siya at pagsasawaan din? Pero ang mas maraming interesado kung gagawa ng BL series ang real life sweethearts na sina Vice Ganda at Ion Perez.

Mas magiging makatotohanan yata yun and im sure marami ang manonood. Maganda din sana na mga umuusbong na artista ang gumanap sa BL series like Seth Fidelin o Kyle Echari.
Di ba si Renshie de Guzman ay napansin sa BL Series na In Between at kinuha na nga ng Dreamscape. Theres nothing wrong naman doing this kind of series. Dito nga lalabas ang husay ng isang artista.

RODEL FERNANDO: Habang namamahinga ang mga Pelikulang Pilipino ay may bagong kinababaliwan ngayon sa online.

Usung-uso at talamak ngayon sa social media partikular na sa YouTube ang Boys Love na palabas o mas kilala sa tawag na BL series.

Hindi ako sure pero mukhang naimpluwensiyahan ang Pilipinas ng bansang Thailand na kilala sa mga ganitong panoorin. Kaya, eto at may Pinoy Boys Love din tayo na pumapatok at pinapanood talaga.

Ang Game Boys, Hello Strangers at Ben X Jim ay ilan lamang sa mga naghit na PBL series. Naging matunog ang mga pangalang Elijah Canlas at Kokoy De Santos dahil sa ganitong palabas. Wini-wish namin na gumawa ng ganito sina Vice Ganda at Ion Perez na siguradong maghi-hit at pag-uusapan.

SM food to go Banner Ad

Isa pa sa gusto naming makagawa ay sina Piolo Pascual at Dennis Trillo na sure na sure akong magiging super hit kapag nagkataon. Pero siyempre hanggang pangarap lang ito at malayong mangyari sa katotohanan.

Samantala, dahil sa success nga ng PBL ay inilunsad na ang kauna-unahang Pinoy Boys Love Awards kung saan mahigpit ang labanan sa kategoryang Best Leading Actor. Sino kaya kina Elijah Canlas at Kokoy de Santos ng Game Boys, JC Alcantara ng Hello Strangers, Royce Cabrera ng Quaranthings The Series, Enzo Santiago at Darwin Yu ng My Extra Ordinary at Teejay Marquez Ben X Jim ang papalaring manalo?! Kayo ka-Cuatros may napili na ba kayo?!.

ROMMEL PLACENTE: Totoo mga Cuatros in na in ngayon ang BL serye sa Pinas.Alam ninyo naman tayong mga Pinoy, kung anong uso at sumikat sa ibang bansa ay ginagaya natin. And in fairness naman ay nagtatagumpay tayo sa panggagaya,huh!

Ang unang BL series na Gameboys ay mapapanood na sa Netflix.

Nagkasunod-sunod na ang dating ng offer sa kanila At naging instant favorite sila ng bading, especially Kokoy.

Marami talagang bading ang nag-iilusyon na maikama sila, na willing silang bayaran ng malaking halaga matikman lang.

Kaya rin naman nag-click ang Gameboys ay dahil sa ganda ng istorya nito. Hindi lang basta kabadingan ang tema nito Hindi gaya ng ibang mga sumunod na BL series na walang wawa. Parang gumawa lang sila para pakiligin ang mga bading.

Bukod sa Gameboys na nagustuhan namin, ang isa pang BL series na may dating sa amin at talagang nagustuhan din namin ay ang Ben X Jim na bida sina Jerome Ponce at Teejay Marquez. Wow na wow talaga ang istorya nito. May chemistry sina Jerome at Teejay.Nakakakilig sila Perfect combination sila. Mabuti na lang at silang dalawa ang naisip ng Regal Entertainment na gawing partner.
Balita namin ay magkakaroon ito ng season 2.

Ayaw ng laplapan:Aktor tsugi ss BL serye

ROLDAN CASTRO: Yes, matagumpay ang mga BL serye kaya balitang may Season 2 ang ‘Sakristan,’ ‘Ben x Jim,’ ‘Gameboys,’My Extraordinary,’ ‘In Between,’ ‘Hello Stranger,’Gaya Sa Pelikula’.
Pero how true na matsutsugi ang isang bidang aktor sa Season 2 nila?
Masosorpresa raw ang PBL world na may aktor na galing sa ibang BL serye na bagong makakapartner sa season 2 ng isa nilang bida.
Ayon sa tsika, nag-inarte raw ang aktor na tatanggalin. Ayaw raw niya ng laplapan, bed scene . Nagpapa-double daw ito.
Parang diring- diri raw ito sa mga ganoong eksena.
Naloloka na raw at naiinis na ang production sa kaartehan niya. Ang ending babu siya sa season 2.
Zino ziya?

Leave A Reply

Your email address will not be published.