Abante Tonite Interactive

Piolo, Derek, Dingdong super wow ang pagsasama

0 160

tonite-diva-chronicles-alwin-ignacioBagama’t pwedeng sabihin na casting coup ang pagsasama nina Piolo Pascual, Derek Ramsay at Dingdong Dantes para sa isang donut brand, may malaking bagay na talagang hibang na hibang at takang-taka ang diva that you love sa kaganapang ito.

Ang tatlong lalaking matikas, makisig at masasarap, sa true lang, talaga bang what they are currently endorsing eh talagang kinakain nila?

Kung energy drink, buko o guyabano juices, wheat grass, turmeric o luyang ­dilaw, malunggay supplement pa siguro ang kanilang tinanguan, walang pagda­dabog ang bangs ko, huh!

Yes, super wow factor ang kanilang pagsasama pero sana sa isang produktong may tunay na health gain.

Michael pumiyok sa late payment

Ang isa sa mga alpha noong panahon na TGIS reigned supremely at original member ng Maneuvers, si Michael Flores, may ganitong posting sa kanyang Facebook,

“Dear Regal, PAYMENT DELAYED IS PAYMENT DENIED! PLEASE PAY UP!” May pa-hashtag pa ito na, “#beenwaitingsince­lastyear”. Exhausted na kaya ni Michael ang lahat ng communication channels sa Regal kaya wala na siyang choice at sa IG na nagpapahayag?

Tumugon na kaya ang pamunuan ng Regal tungkol sa post na ito ni Flores? Aware kaya sila na may ganitong pangyayari?

Allen halimaw sa kasalbahihan

Ipapalabas sa Enero 16 sa select cinemas ang bagong obra ni Brillante Mendoza, ang ‘Alpha The Right To Kill’ na pinagbibidahan nina Allen Dizon, Elijah Filamor at si Baron Geisler.

Hindi pinalad ang Alpha na makasali sa huling MMFF dahil may nakapanlulumong box-office record ang hu­ling Mendoza film sa taunang film festival. Ang “Thy Womb” nga ba na pinagbidahan pa man din ni Nora Aunor, ang sabi ay siyang most underperforming film sa takilya in all of MMFF’s history?

My dear Abante TONITE readers, para naman hindi niyo masabing bias­ed ang diva that you love sa “Alpha,” hayaan niyong ibahagi ko ang saloobin ni Short Film Festival Queen at dramatic actress Cataleya Surio tungkol sa pelikula.

Ang maganda sa bagong obra ni direk Brillante, “Ang pagkakalahad ng kuwento madali maintindihan ng lahat at kung ano ang mensahe ng pelikula. Visually nagustuhan ko ‘yong pagiging raw at organic ng mga kuha ng camera, ganon din sa editing at scoring ng film.”

Aniya pa, “Ang mga artista very natural ang mga atake mula sa pinakamalaking role hanggang sa pinakamaliit walang nag-perform lahat very natural, walang pang melodrama na acting acting siya. Hindi rin ako inantok, inabangan ko ­talaga bawat eksena kung saan papunta at kung ano ‘yong mga susunod na mangyayari.”

Bakit dapat panoorin ito? Pahayag ni Bb. Surio, “Eye opener siya, kasi sa pelikula ‘yong lahat ng mga kabulukan na alam na alam naman natin kung sino ang mga kasali at gumagawa, ipinakita talaga. Para kang sasampalin at gigisingin. Ang mensahe niya, simple lang, sa usaping droga lahat tayo pwede maging biktima, walang panalo lahat talo…..at malinaw rin sa akin na lahat ng bagay na gagawin natin sa ating buhay lalo kung ito ay masama asahan mo isang araw lahat ng ito ay babalik at babalik sa atin.”

Ang mga best performer sa pelikula, para kay Cataleya, “Nag-stand out sa akin ‘yung pagbibigay buhay ni Elijah sa katauhan niya. ‘Yung nagpagamit ka para sa family mo para maitawid n’yo lang din pang-araw-araw nilang buhay pero sa huli madali lang din siya idespatsa. His portrayal of his role, it was not fake. Kahit sa mga pagbitaw niya sa mga lines, kung paano siya tumingin o tumitig kahit walang salita, dama ko ang kalooban niya.”

Pagwawakas ni Bb. Surio, “Hindi ko na kailangan ipaliwanag kung gaano kahusay si Allen Dizon. It’s a no brainer. Talagang sinagpang niya ang pagiging si Espino. Tatatak talaga ang kasalbahihan niya. Maiinis at mapopoot ka sa katauhan niya. Halimaw sa husay si Allen.”