Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Piolo ‘di SONA ang pinunta sa Sagada

0 624

NI: ALWIN IGNACIO

Si Alessandra de Rosi ba ang abogada ni Piolo Pascual? O siya ang publicist nito? Baka naman bet niya na maging pambansang sawsawera ang maging bagong label, hindi ba naman, lalo na nga’t pangmalalakasan ang pagtatanggol niya kay Papa P sa kanyang social media site.

May isang hanash si Alessandra na: “Oh… Kung alam niyo ang totoo, mahihiya kayo sa mga pinagsasabi niyo.”

Related Posts

Sa nagsasabing baka may “offer” si Pascual na he cannot refuse, ang kuda ng kapatid ni Assunta: “Walang offer. Walang work. May properties siya doon. No politics involved. It’s that feeling of going HOME and taking care of things na napabayaan during the lockdown.”

Ang pagpunta daw ni Pascual sa Sagada, ayon pa sa mga pagpapaliwanag ni Alessandra ay hindi tungkol sa SONA kundi para sa ibang proyekto.

So, gusto mo ba talaga Alessandra manalig kami sa lahat ng mga sinasabi mo? Hindi mas mainam kung si Piolo ang magpapaliwanag sa mga kaganapan. He can man up naman this time at huwag i-employ ang silence is my best defense lalo na nga’t marami ang poot na poot at suklam na suklam na dahil dito.

Leave A Reply

Your email address will not be published.