Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Piolo dinamayan ni Claudine

0 162

NI: VINIA VIVAR

Sa gitna ng mga intrigang dinadaanan ngayon ni Piolo Pascual dahil na rin sa rebelasyon ni BB Gandanghari tungkol sa naging relasyon niya sa isang kilalang aktor years back, marami pa rin ang nagpapahayag ng suporta sa aktor especially sa showbiz industry.

In fact, ang naba-bash nga ngayon ay si BB at kinukuwestiyon ang motibo niya sa paghukay sa pangyayaring matagal nang panahon ang nakalipas at nadamay pa ang mga taong nananahimik.

Isa sa nagbigay ng suporta kay Piolo ay ang kaibigan at dati niyang leading lady na si Claudine Barretto.

Nag-post ang aktres ng larawan nila ni Papa P at sa caption, aniya, “Claudinians & i Got your Back! @piolo_pascual.”

Nagsipag-komento naman ang mga Claudinians at nagpahayag din sila ng support for Piolo.

“We love you papa @piolo_pascual hwag mo ng pag aksayahan ng panahon yung taong kulang sa pansin malungkot kasi buhay nya kaya nandadamay nlang.. bilib talaga ako saiyo @claubarretto tunay ka talagang kaibigan.. kaya malaki respeto ni papa p. saiyo.. we claudinians love you both so much @claubarretto @piolo_pascual,” komento ng isang fan.

Leave A Reply

Your email address will not be published.