Abante Tonite Interactive

Piolo, DJ, Aga inokray ni Empoy

642

tonite-this-is-it-roldan-castro

Mukhang sagot sa nananamlay na industriya ng pelikulang Pililipino ang pagsasama nina Piolo Pascual, Aga Muhlach, Daniel Padilla at Empoy. Balitang sa Amsterdam ito iso-shoot.

Sa TWBA ay pabirong inokray ni Empoy at pinintasan ang tatlo kung mas pogi siya.

“Sila ang maiilang sa akin. Tingnan niyo naman ang hitsura nila,” sambit niya.

Si DJ raw ay napakaliit. Mga 5’4” lang. Si Aga, dimples lang ang kailangan. Sey naman niya kay PJ ay may sungki at malaki ang mata.
Ha! Ha! Ha! Hindi kaya bawian nila si Empoy ‘pag promo time na?
Talbog!

***

Aliw na naman kami sa talent manager-actor na si Ogie Diaz sa kanyang post sa Facebook.
Eto na siya…
“Mama Ogs, sino’ng bet mo as Darna since nag-resign na ang alaga mong si Liza Soberano?”
— Nako, ‘yan lagi ang tanong sa akin. Kung ako daw ang papipiliin? Sino sa mga artista ang gusto kong maging Darna?
Actually, ang alam ko, ha? Aside from Liza, kahit sina Actress K at Actress M ay nag-go see noon, pero si Liza na ang bet umpisa pa lang.
Hindi lang sila, may iba pang artistang nag-go see. At pati nga si Julia Barretto, nagbabaka-sakali rin.
“Ba’t andaming pasa-kalye, Mama Ogs? Sino na nga ang bet mo?”
—Nag-reminisce lang ako, masama?
“O, sige, so sino si K at si M? Ba’t pa-blind item pa ang peg, di na lang banggitin?”
—Hulaan nyo na lang. Para may thrill.
“So sino na nga ang gusto mong maging Darna?”
—Kung ako ang tatanungin —
“Ikaw nga ang tinatanong, Mama Ogs, di ba? Wala naman akong ibang kausap, eh!”
—Ok, game. Actually, mas maganda kung bagong mukha para fresh at mas exciting. Kasi, kung dati nang mukha ang magiging Darna, nakita na ng mga tao kung paano yon umarte. Kung new face naman, kaya namang i-train yan sa akting at sa fight scenes, pero yung mukha niya, doon pa lang sa Darna makikita. Na malakas sana ang dating. Yung pag tiningnan mo siya ng mga 5 seconds, pagpikit mo, kaya mo pa ring i-drawing sa isip mo ang itsura niya.
“Eh, kay Liza ba? Tinanong mo na ba siya?”
—Well – –
“Wala nang well-well, Mama Ogs. Ano na nga?
—King ina ka, kanina ka pa nambabara, ah? Yun na nga. Ang sabi ni Liza sa akin, “Kung new face yan, Tito Ogs, galingan niya talaga, dahil sobrang anla-king opportunity ng Darna sa kanya. Give her heart and soul to the project, lalo na sa mga trainings at sa acting. And I know for sure, this movie will make her. Wag lang ikalaki ng ulo niya because hindi siya nag-start from bottom. Big break agad. Kaya remain humble.
“Naka-move on na ba si Liza sa malungkot na desisyon niya, Mama Ogs?”
—Oo, naka-move on na siya. Ikaw na lang ang hindi pa!
“Antaray mo na sa ‘kin, Mama Ogs. Why?”
—Wala nang why-why. Next question ka na, hype ka.
“Mama Ogs, ano masa­sabi mo sa mga kandidatong celebrities?”
—Nako, andami nila masyado. Pero gusto kong saluduhan si Vic Sotto. Alam mo bang para na siyang runningmate ng anak niyang si Vico Sotto na tumatakbong mayor ng Pasig? Dahil halos araw-araw kung mag-house to house si Bossing para suportahan ang anak?
Si Vic, araw-araw yan sa Eat Bulaga, pero lagi niyang isinisingit ang kanyang anak sa sked niya. At ang nakakatuwa, hindi nagde-demand ng presence ng tatay niya sa kampanya si Vico, pero si Bossing, talagang sobrang effort din para sa anak. Ganundin si Tita Coney Reyes.
Si Daniel Padilla, nakakatuwa din. Talagang andalas din sa Nueva Ecija to campaign for his dad Rommel Padilla na tumatakbong congressman.
Actually, sila ni Karla Estrada (Carla Ford) ang madalas dun. Nakakatuwa, di ba?
“Mama Ogs, si Luis Manzano ba, madalas ding umapir sa kampanya ni Edu Manzano running for Congress sa San Juan o kay Ate Vi as Congresswoman ng 6th Dist ng Batangas?
—Hindi ko alam. Ang alam ko, nakaisang sampa na siya kay Edu.
“Huh? Matatapos na ang campaign period, isa pa lang?”
—Kung sasabihin ko bang dalawa na, titigil ka na?
“Hahahaha! Eto namang si Mama Ogs, galit na agad.”
—Kapikon ka, eh. Yun na nga. Kung hindi man madalas si Luis sumampa sa rally ng mom and dad niya, baka busy din ang binata sa tapings ng show niya. Or baka hindi rin naman inoobliga ng parents niya na sumampa siya sa stage nila. Kasi kilala ko rin si Ate Vi at si Doods, hindi sila nang-oobliga ng anak na sumampa sa kanilang entablado.
“Pero, Mama Ogs, iba pa din kasi kung makikitang madalas si Lu—.”
—Teka nga. Can you just move on? Next question ka na, please?
“Sige, ganito na lang. Kunwari, Mama Ogs, anak ka ni Edu o ni Ate Vi?”
—Kung dadalasan ko ang pag-akyat sa kampanya nila? Oo naman. Siyempre, kailangan nila ako, kaya tutulungan ko silang manalo, lalo na kung …
“No, di pa kasi ako tapos sa question ko, Mama Ogs. Kunwari anak ka ni Edu at ni Ate Vi, sa palagay mo, maaatim nila?”
— Kung sampa­lin ko ng tsinelas yang mukha mo, palagay mo, mangingitim ka? Bwahaha!