Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Piolo, Enchong, Alden bet tikman ni Joed

0 178

NI: VINIA VIVAR

Ibinunyag ng producer ng ‘Anak ng Macho Dancer’ at dating That’s Entertainment member na si Joed Serrano ang mga aktor na gusto at ayaw niyang tikman.

Well, noon pa ay alam naman nating lahat na nag-out na si Joed and very vocal siya sa kanyang love life. In fact, may boyfriend nga siya ngayon na isang pulis.

Sa panayam ng mga kapatid sa hanapbuhay ay tinanong si Joed ng mga aktor na gusto at ayaw nitong tikman. For fun lang naman daw ito at hindi ibig sabihin ay gagawin nga ito ng producer.

Nagsabi ang mga reporters ng mga pangalan ng aktor at sasabihin niya kung “tikiman” which means type niya or “isnaban” na ibig sabihin ay hindi niya feel.

Sa mga feel niyang tikman na aktor ay kabilang si Piolo Pascual na ultimate crush daw niya, Dingdong Dantes, Alden Richards, Ejay Falcon, at Enchong Dee.

Hindi naman daw niya feel sina Sam Milby, Jericho Rosales, Paulo Avelino at Aljur and Vin Abrenica.

Hindi niya feel si Echo dahil sobrang bait daw nito sa kanya nang makasama niya ito sa ‘Pangako Sa ‘Yo’ so i-maintain na lang daw ‘yung pagiging parang brothers nila.

Si Sam naman, hindi raw kasing-hot ni Papa P. kaya ‘isnaban’ din.

Si Piolo raw ay ultimate crush niya ever since while si Enchong naman ay lifetime crush niya.

“Tikiman, one year,” sabi niya about Enchong. “Sobrang crush ko siya, alam niya ‘yun.”

Kay Papa P naman, pabiro niyang sabi, “given a chance, oo siyempre. Mga 3 months kami sa kwarto, walang labasan.”

Leave A Reply

Your email address will not be published.