Abante Tonite Interactive

Piolo ginagamit si Shaina

By
1,574

Sa September 29 na gaganapin ang ABS-CBN Ball sa Makati Shangri-La, pero ayon kay Papa P., wala pa siyang partner na ieskortan sa pinakahihintay na star-studded event.

Ayaw din niyang i-drag ang pangalan ni Shaina Magdayao na paboritong inili-link sa kanya tuwing darating ang nasabing rampahan ng mga Kapamilya celebrity.

“Mahirap kasing magsalita kasi there’s a tendency that I will be taken out of context. Let’s cross the bridge when we get there,” aniya.

Aminado rin siyang nakakatikim ng mga birada sa social media na kesyo ginagamit lang niya si Shaina pero hindi naman ito seryoso sa dalaga.

“Bina-bash kasi ako kapag nagsasalita ako kay Shai. Ang dami ko kasing nakukuha sa IG. Masakit magsalita, baka pumatol ako. So, bahala na,” paliwanag niya.

Ayon pa kay Papa P., may mga pagkakataong napipikon din siya sa banat sa kanya ng mga basher sa social media, lalo na kung offensive ito o below the belt.

“Sumasagot din ako pero pagkatapos noon, tine-take down ko rin after. Tinatanggal ko ang post. Minsan naaapektuhan ka kapag wala ka sa mood. ‘Yung family ko, diretso sagot sila agad. Nai-stress ako sa kanila. ‘Pag sumagot ako, nasalihan na iyon, even the fans also, so parang huwag na lang,” pagbabahagi niya.