Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Piolo hubad-barong nagplantsa

0 65

Viral ang kumalat na video ni Piolo Pascual na makikita siyang hubad-barong nagpaplantsa ng sariling damit na gagamitin niya sa kanyang tour.

Marami rin ang bumilib sa pagiging humble, mabait at masipag ng ultimate heartthrob. Sa kanyang estado bilang isa sa biggest stars sa showbizlandia ay hindi man lang lumaki ang ulo.

Sa kaugnay namang video sa kanyang socmed account, marami rin ang napahanga ng Kapamilya actor sa pagiging masinop sa bahay.

Hindi lang siya karpintero, gardener kundi all-round na worker pagdating sa gawaing bahay.

Makikita sa video clips ng kanyang page na naglalaba siya ng kanyang mga damit at sa isa naman ay nag-aayos ng mga ito.

Nagbiro pa siya na puwede raw siyang rumaket bilang taga-tupi ng damit.

Sobra namang na-appreciate ng kanyang followers ang pagiging simple at walang kaere-ere ng actor na kahit accomplished na ay nananatili pa ring nakatuntong ang mga paa sa lupa.

Ito ang ilan sa komento ng kibitzers.

“He’s not only a man of many talents. Pati sa gawaing bahay, maaasahan siya.”

“Sana lahat ng lalake, tulad niya.”

“Papa P., akin ka na lang. Ako na lang ang magplaplantsa, maglalaba at mag-aayos ng mga damit mo.”

“Sa bahay ka na lang. Ako na lang ang magsisilbi sa iyo.”

“Papa P., anakan mo na lang ako.”

“Matuto kang pumila. Bet ko ring magpalahi sa kanya.”

Leave A Reply

Your email address will not be published.