Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Piolo, Julia, Ian pinaringgan ni Vice

0 532

SA It’s Showtime noong Sabado, October 10 ay nagparinig si Vice Ganda sa mga dating talents ng ABS- CBN 2 na lumipat na sa ibang istasyon at management. Ito’y pagkatapos hindi mabigyan ng bagong prangkisa ang nasabing network.

Sa segment ng show na Name It to Win It na host si Karylle, ay doon nagparinig ang binansagang Unkabogable Star. May dalawang grupo na naglaban, ang Team Vice at Team Vhong (Navarro).

SM food to go Banner Ad

Ang isa sa pinahulaan ni Karylle ay mga Kapamilya shows. Nu’ng marinig ito ni Vice, ang sabi niya”Kahit lumipat na

‘yung mga bida?” Natawa sina Karylle at Vhong sa sinabing ‘yun ni Vice. Pero hindi sila nag-comment.Ang sabi lang nila ay huwag na ‘yun.

Ang mga dating alaga ng Kapamilya network na lumipat na sa Viva ay sina McCoy de Leon , Diego Loyzaga at Julia Barretto. Ang mga lumipat naman sa TV5 ay sina Pokwang,Piolo Pascual, Maja Salvador, Ian Venercion, Billy Crawford, Beauty Gonzales, K Brosas, Bayani Agbayani at iba pa. Siguradong sila ang pinaringgan ni Vice. (Rommel Placente)

Leave A Reply

Your email address will not be published.