Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Piolo kawalan kay Juday

0 108

NI: ARCHIE LIAO

Bago pa man nagkaroon ng pandemya, marami nang faney nina Judy Ann Santos at Piolo Pascual na umaasa na muli silang magtambal sa isang proyekto.

Katunayan, sinabi noon ni Papa P. na open daw siya sa ideya na muling makasama si Juday.Naghihintay lang siya ng tamang project sa balik-tambalan nila ng perennial screen partner.

Sa kaso naman ni Juday, tila hindi siya ‘keen’ sa anumang reunion project nila ng ultimate leading man.

Ipinapalagay ng mga mahadera na isa sa mga dahilan ay baka maapektuhan ang marital bliss o pagsasama ng mag-asawang Judy Ann at Ryan Agoncillo kung sakaling magkalapit muli ang dalawa.

Bago pa man nai-cast si Jodi Sta. Maria sa Kapamilya seryeng “The Broken Marriage Vow”, may mga lumutang nang espekulasyon na unang inialok ang role ni Dr. Jill Ilustre kay Judy Ann.

Katunayan, nang maurirat si Judy Ann tungkol dito, pinili niyang huwag na lang magsalita at sinabing hayaan na lang ang management ng Dreamscape ang mag-isyu ng statement tungkol dito.

Sa case naman ni PJ, sinabi niyang willing niyang gawin ang role ng philandering husband na napunta kay Zanjoe Marudo kung ang magiging leading lady niya ay si Juday.

SM food to go Banner Ad

Fast forward, nakadalawang show na si Piolo sa Dos: ang sitcom niya with Pia Wurtzbach at ang Pinoy adaption ng Koreanovelang “Flower of Evil”kasama si Lovi Poe pero never pa silang nagtatambal.

May ilan namang nag-react sa pagiging host ni Judy Ann sa “Magandang Buhay” kung saan nakapanayam niya si Lovi, ang leading lady ni Papa P. sa nasabing serye.

Nagkaroon pa nga sila ng comparison tungkol sa abs ng actor at sa galing nitong magpakilig.

Hirit pa ni Lovi, lahat daw ng katangian na hinahanap ng isang girl sa isang guy ay matatagpuan kay Papa P.

May kibitzers namang nagtatanong na hindi raw kaya may konting pagsisisi si Juday dahil kawalan umano sa karera niya ang actor.

Maliban sa KathNiel, ang tambalang Judy Ann at Piolo ang itinuturing na pinaka-enduring na love team sa local entertainment industry.

Obserbasyon naman ng ilan, kung gagawa man sila ng reunion project, hindi na dapat na magpatumpik-tumpik pa sila lalo pa’t panahon na ito ng millennials.

Leave A Reply

Your email address will not be published.