Abante Tonite Interactive

Piolo kay KC: Single rin ako!

696

Ni: Vinia Vivar

Sobrang excited na si Piolo Pascual sa reunion project nila ni Claudine Barretto. Ayon sa Ultimate Heartthrob nang makatsikahan ng entertainment press last Thursday sa SunPIOLOgy Xone launch/presscon, 15 years na raw niyang hinihintay na muling makatrabaho ang aktres na huli pa niyang nakasama noong 2004 sa box-office hit movie na “Milan”.

“I’ve been waiting for it. Ilang years na ‘yan. It’s been in Star Cinema’s baul for the longest time and it’s always been Clau and I. So, we waited 15 years for this, and I’m just really excited that it’s finally happening,” pahayag ni Piolo.

Napakaganda raw ng script at sa kuwento ay maraming pagdadaanan ang mga karakter nila together.

“Kaya it’s important na ang kasama ko, medyo matured, si Clau because there are seasons in their lives that they would have to brave together,” aniya.

Pero right now ay tinatapos daw muna niya ang pelikula nila ni Alessandra de Rossi na malapit na raw matapos.

May nagbalita kay Papa P (tawag kay Piolo) na single ulit ang ex-girlfriend niyang si KC Concepcion ngayon at sambit niyang natatawa, “single rin ako.”

When asked kung posible bang magkaroon ng reconciliation sa kanilang dalawa ay natatawang kumanta na lang si Piolo ng “posible.”

Pero friends na sila, hindi ba?

“Oh yeah, we’re good. Kristina and I are really good. I haven’t seen her for a while, so I hope she’s always okay. I don’t necessarily stalk her on IG (Instagram) but I see what happens of course, du’n sa mga lumalabas. So, you know, I’m happy for… (her),” sey pa ni Papa P.

Samantala, 11 years na ang SunPIOLOgy na taunang event ni Piolo at ang Sun Life Philippines kung saan ay ang aktor nga ang brand ambassador.

This year, the said sporting event carries the theme “SunPIOLOgy Xone” and will feature the following highlights – Sun Life Virtual Run, Sun Life Cycle PH, and Sun Life Resolution Run.

Ang Sun Life Virtual Run ay gaganapin sa October 15-November 15, 2019 at ongoing na ang registration at www.sunpiology.com.

Ang Sun Life Cycle PH naman ay gagapin sa November 23, 2019 at ongoing na rin ang registration.

Ang Sun Life Resolution Run naman ay magaganap sa Jan. 18, 2020 sa Camp Aguinaldo. Registration will begin on Nov. 15, 2019 sa website and select Toby’s Sports Stores. Race categories and further details will be released soon.