Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Piolo kinabog sa kita ni Inigo

0 327

Sobrang proud si Piolo Pascual sa kanyang anak na si Inigo Pascual.

At 24, talaga namang humahataw ang career ng young actor/singer at isa na ngang international star.

Kasalukuyang nasa Georgia si Inigo at nagsu-shoot ng American musical drama na Monarch ng Fox Entertainment. Isa siya sa mga bida ng series along with Holywood stars Susan Sarandon, Albie Roman, Anna Friel, Trace Adkins and Beth Ditto.

Pagbabalita na sabi ni Papa P. sa kanyang panayam sa Monster RX 93.1 FM radio, natapos na raw ni Inigo ang season 1 at ngayon ay season 2 na ang isinu-shoot nito.

“He’s still in Georgia, he’s still filming. Their show was moved to fall because of the pandemic but I think, they’re already doing season 2. So, yeah, he’s pretty set-up,” sabi ni Papa P.

Ipinagmalalaki rin ng aktor na may sariling trailer sa set ang kanyang anak na never daw niyang na-experience. And yes, dollars ang kinikita at mas malaki pa raw ang kinikita nito ngayon kaysa sa kanya.

“Yeah, he’s pretty set-up. I mean, you know, he has his own trailer which I never had and he earns in dollars and I’m like, ‘dude!’ He earns more than me now,” natatawang sabi ni Piolo.

Samantala, excited naman ang aktor sa bago niyang mga projects ngayon tulad ng sitcom niya with Pia Wurtzbach directed by Cathy Garcia-Molina.

“It’s gonna be a blast once it comes out in March and I’m just so excited for people to see it,” ani Piolo.

Natapos na raw nilang i-tape ang buong season ng sitcom at kasalukuyan naman niyang tinatapos ang Flower of Evil with Lovi Poe under Dreamscape Entertainment.

@@@

QC Filmfest ibabalik

Maraming plano para sa entertainment industry si Party-list Representative for Anakalusugan Mike Defensor sakaling manalo siyang Mayor ng Quezon City sa darating na eleksyon.

Nakatsikahan ng entertainment press si Cong. Mike last Thursday at ipinahayag niyang kasama sa plataporma niya ang lalo pang palawakin at palakasin ang arts and entertainment sa Kyusi lalo pa nga’t ito ang tinaguriang showbiz capital of the Philippines.

“We really have to establish Quezon City as an eco-tourism center. And definitely, ‘yung sa showbiz set-up, we have to develop that. We are the Holywood of the Philippines at kailangan tayong mag-take-advantage diyan.

“Magtayo tayo ng museum, magtayo tayo ng mga areas, let’s say, mismong sa stations like in GMA-7, ABS-CBN, even in the defunct Channel 5 sa Novaliches, na mayroong areas na pupuntahan ang mga tao for tourism” he said.

Plano niya raw na magtayo ng Museum of the Stars in Quezon City at ibalik ang QC Film Festival.

“Basta ito ang pangako ko sa inyo, we will have the best film festival in the country. I can promise you that,” pahayag pa ni Cong Mike.

Gusto rin niyang magtayo ng film school for film workers para mas lalo pang mapalakas ang entertainment industry.

Samantala, nang matanong siya kung ano ang plano niya sa mga empleyado ng ABS-CBN na nawalan ng trabaho, ayon sa QC Mayoralty candidate ay willing daw siyang bigyan ng trabaho ang mga ito kapag nanalo siya.

Naniniwala rin si Cong Mike na kung mabibigyan ng bagong franchise ang bagong nagma-may-ari ng frequency ng ABS-CBN ay muling maha-hire ang mga dating empleyado ng network.

“Kung bagong kumpanya, ‘yung issue dati, hiwalay ho ‘yun, eh, di ba? So, itong bagong kumpanya, we all know that it’s the Villar family who took over, and they will apply for a franchise, definitely, we will help.

“And we hope that it will still be in Quezon City. We hope that the existing facilities will be utilized by this new company, whatever company it will be. Na dito pa rin magamit ‘yung lugar at pasilidades ng ABS-CBN.

“So, it means, ‘yung previous employees ng ABS-CBN will definitely have their jobs back,” he said.

Matatandaang isa si Cong Mike sa 70 lawmakers who voted against ABS-CBN franchise renewal noong July, 2020.

Leave A Reply

Your email address will not be published.