Abante Tonite Interactive

Piolo, Liza, Zanjoe super gigil sa baby ni Pokwang

5,431

PAGDATING sa pakikisama sa kanyang kapwa artista, champion na matatawag itong si Pokwang dahil karamihan sa mga nakakatrabaho niya ay ipinagluluto pa niya, kaya naman kahit malayo rin ang bahay niya (sa Antipolo siya nakatira), marami pa rin ang dumadalaw sa kanila ng anak niyang si Malia, at tatay ng bata na si Lee O’Brian.

Nag-post si Pokwang sa kanyang Instagram account (@itspokwang27) ng pictures nina Liza Soberano. Nakakaaliw nga si Liza dahil feeling nanay rin siya ng bata, ha!

 

Nag-post din si Pokwang ng photos nina Zanjoe Marudo, Piolo Pascual, Chokoleit, Enchong Dee at ng ibang taga-ABS-CBN na dumalaw sa kanila.

Naha-happy nga si Pokwang kapag may mga dumadalaw sa kanila. Isa nga pala si Chokoleit sa mga magni-ninong kay Malia.

Biro ni Pokwang sa kanyang kaibigan, wala raw silang choice kasi nagprisinta si Chokoleit na maging ninong.

Pero siyempre, biro nga lang talaga ‘yon dahil palagi naman silang nagbibiruan ni Chokoleit.

Actually, kapag may mga biruan sila ni Chokoleit, may ibang mga nagre-react na akala yata ay inaapi ni Pokwang ang kanyang kaibigan, pero hindi na lang nila pinapansin ang mga ganoon.

Kung pina-follow mo kasi pareho sina Pokwang at Chokoleit sa kanilang Instagram accounts, alam mo na na ganoon lang talaga sila kung magbiruan.

Baby ni Mariel naaliw sa Robin-Jodi-Richard serye

CUTE ‘yung picture ng anak nina Robin Padilla na pinost kahapon ni Mariel Rodriguez sa kanyang Instagram account (@marieltpadilla). Naka-shade pa kasi si Isabella habang pinapanood ang pilot telecast ng Sana Dalawa Ang Puso morning series ng kanyang tatay.

Eh, hindi masyadong ina-allow nina Robin at Mariel na manood ng TV si Isabella, pero dahil nakakatuwang palabas naman ang Sana Dalawa Ang Puso ng aktor kung saan kasama niya sina Jodi Sta. Maria at Richard Yap, in-allow na nila ang bata na manood.

Mukhang aliw naman si Isabella sa panonood ng bagong series ng kanyang tatay, huh!

#paMORE VIP ticket ubos na

KAHAPON ang first day ng rehearsal nina Martin Nievera, Ogie Alcasid, Erik Santos at Regine Velasquez-Alcasid para sa February 10 MOA Arena concert nila na #paMORE.

Noong Sunday naman, inabot sila ng gabi sa pagsu-shoot ng videos na ipapakita nila sa #paMORE concert.

Tama ba ang narinig namin na mangilan-ngilang tickets na lang ang available para sa nasabing concert?

May mga naghahanap nga ng VIP tickets para sa #paMORE na hindi na makabili pa. May mga nagsasabi namang mukhang may repeat ang #paMORE, pero ayaw itong kumpirmahin ng producers na sina Anna Puno at Cacai Velasquez-Mitra.

Sinamahan ko nga pala sila sa video shoot na ‘yon noong Sunday at pagkatapos ay nagyaya si Martin na mag-late dinner sa isang Japanese restaurant sa may Tomas Morato, Quezon City.

Nakakatuwa na pati ang Japanese chefs sa restaurant na pinuntahan namin ay inabangan si Martin at nang paalis na kami ay nagpa-picture sa Concert King.