Abante Tonite Interactive

Piolo mag-aaral sa Italy

378

ni Vinia Vivar

Nakatakdang umalis si Piolo Pascual para mag-aral ng short course sa Florence, Italy. He’ll be taking Film Producing na in line sa kanyang pagiging producer ng Spring Films. Eight weeks daw ang naturang course kaya mga 10 weeks daw siguro siyang mawawala.

“I’m leaving in a couple of weeks for a short course that I’d be taking up in NYFA (New York Film Academy), Florence, satellite campus ng NYFA,” ani Piolo nang makausap namin sa contract signing niya with AMA Online Education kung saan siya ang bagong Ambassador.

Last year pa raw niya ito plinano at dalawa silang mag-aaral ni direk Joyce Bernal.

“She wants to do sound,” sey ng aktor kay direk Joyce.
Asked kung mayroon din ba siyang plano na magdirek ng pelikula in the future, ani Piolo ay wala raw.

“Producing lang talaga. I don’t see myself becoming a director. I don’t think it’s in the horizon,” he said.

Dagdag pa niya, “I’m not closing my doors, I just don’t find it appealing to me. You know, I don’t have the knack for it. You know, I’d rather be in front of the ca­mera than be the one calling the shots.

“Producing, it’s different because it’s business, but I don’t see myself having to compose my shots. I don’t like to be a director in that sense ­because it’s too much to handle.”

Kung sakali ay mas gusto pa raw niyang maging scriptwriter.

“I was enrolled kay Ricky Lee before but I wasn’t able to pursue it because of my schedule,” aniya.

Sa ngayon, limang pelikula ang naka-line-up for Piolo this year at nasa pangatlo na raw siya. May ginagawa siyang movie ngayon with direk ­Brillante Mendoza na ayaw niya pang sabihin ang detalye.

“It’s a celebration of the hundred years of Philippine cinema, so we’re just really excited because it’s a good project, it’s a good film.”
Halos patapos na raw sila sa movie and would be out soon.

May ginagawa rin daw siya with Lav Diaz na one shooting day na lang at pagkatapos ay magsisimula na ulit siya ng bagong pelikula ngayon.

“And when I get back (from ­Florence), I’ll have another one, and before the year ends, hopefully, maka-six (movies),” saad niya.

Graduate na sa teleserye

“I’m not doing teleseryes ­anymore,” deklara ni Piolo at final na raw ito.
“I’m old for that. I’m not old, old, but you know, soap-wise, I’ve done more than a dozen soaps. I’ve been in the business for 20 years and it’s the same thing I’ve been doing for the last 20 years. I wanna be able to do other things and diversify.
“So now that I’ve become a ­producer and there are so many things that we can work on and acting-wise, endorsement-wise, I still have my hands full.
“So, that’s something that I don’t enjoy doing anymore. I don’t wanna be stuck in the set. It’s hard. I’m not gonna take it away from anybody else but it’s something that I’m not gonna pursue for now.”
Ang huling teleseryeng ginawa ni Papa P (tawag kay Piolo) ay ang “Since I Found You” last year with Arci Muñoz.
Sa ngayon ay napapanood siya sa “ASAP Natin ‘To” every Sunday at sa sitcom na “Home Sweetie Home” with Toni Gonzaga.

Balik-tambalan kay Judy Ann

Kamakailan ay kumalat online ang video ng pagkikita nila ni Judy Ann Santos sa elevator kung saan ay nakitang okay na okay naman sila. Dahil dito ay marami na naman ang umasa na this time ay baka matuloy na ang matagal nang hinihiniling sa kanila ng mga fan na reunion film.

“Juday and I will always be friends no matter what happens, you know. ‘Pag nagkikita kami, parang. . .Wala namang issue talaga sa amin.

“It’s a matter of time I guess, when she’s free already to do the film. But I’m keeping my fingers crossed. I hope, bago kami tumanda, that’s what I always say.

“And anytime she’s free, I’ll make myself free for her.”

Noon pa ay nasabi na ni Piolo na talagang si Juday lang ang hinihintay niya para matuloy na ang reunion project nila at sabi nga niya in our past interview with him, may materyales na raw silang binubuo ni direk Antoinette Jadaone para rito.

Bago pa man nagkaroon ng KathNiel, JaDine, KimXi, LizQuen, AlDub at iba pang sikat na loveteam, nauna nang sumikat ang tandem nina Piolo at Juday at pawang blockbuster din ang mga pelikula nila such as “Kahit Isang Saglit,” “Bakit ‘Di Totohanin,” “Till There Was You,” and “Don’t Give Up On Us.”

Ang huli pa nilang movie ay ang “Don’t Give Up On Us” in 2006 at hindi na nasundan. Kaya naman hindi kataka-takang miss na ng mga fan ang kanilang tambalan.