Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Piolo, Maja naiwan sa ere

0 275

MILDRED A.BACUD:Tulad ng mga staff ng Sunday Noontime Live na hindi inasahan ang maagang pagkawala sa ere ng show, ganun din pala si Johnny Manahan.Inaasahan pala nila na kahit paano ay aabot naman ng 6 to 9 months ang show .Kaya ganun na lamang ang pagkahiya ni Mr. M kina Piolo Pascual at Maja Salvador na kinaray niya sa TV 5. Matatandaang ang rason ng aktor at aktres sa pag-alis sa bakuran ng Dos ay ni-request sila ng kanilang tatay- tatayan na si Mr. M.

Wala kasing existing contract daw ang dalawa kaya hindi nagkaroon ng problema sa paglipat.’Yun nga lang mga ka-Cuatros big stars sila ng Kapamilya kaya masakit para sa kanilang home network na lisanin nila at tapatan pa ang ASAP.

Pera ang isang dahilan umano ng pag-ober da bakod ng mga artista dahil times three daw ang offer. Sabi pa nga ng isang aktres tumatanda na siya at isa itong rason kung bakit siya lumipat.

Pagkatapos ng higit tatlong buwan, isa- isang gumuguho ang napakagandang mga plano. Higit 500 million na umano ang nawawala sa Brightlight Productions na pagmamay-ari ni Mr. Albee Benitez. Marami ang nag-akala na mahaba pa ang pisi nito pero aabot din sa puntong susuko na rin.

Sabi nga raw ni Mr. M sa isang panayam akala nito ay hindi iindain ng producer ang pagkawala ng pera ng sabihing, ” I don’t mind losing money, I just want to get into business, “ nunpala ay iniisip din nito ang pagkawala ng pera.

Parang nangangamoy sisihan na ang nangyayari mga friends.

RODEL FERNANDO: Dala na rin ng hiya at utang na loob kaya napapayag ni Mr. M sina Piolo at Maja na gawin nila ang Sunday Noontime Live. Mayroon ganung factor talaga na kapag may isang tao na ginawan ka ng kabutihan ay mahihiya kang humindi. Bagay na puwedeng intindihin sa parte nina Maja at Piolo.

Pero nakalimutan din ng dalawang artistang ito ang ABS-CBN na puwede nga namang maging tampulan sila ng panghuhusga. Instrumento lamang kung tutuusin si Johnny Manahan pero ang Kapamilya Network pa rin ang gumawa sa kanila. Sumikat sila at yumaman dahil sa naturang network.

At ngayong natsugi na ang show na nilipatan nila at itinapat pa sa dati nilang show na ASAP ay marami ang nagtatanong kung saan sila pupulutin. Dito naman ay sigurado kami na may paglalagyan ang dalawa lalo na si Papa P. Hindi naman katapusan ng mundo para sa kanila ang pagsasara ng SNL. Sure na sure na magkakaroon ang mga iyan ng project. Malay natin eh baka biglang bumalik sila sa dati nilang tahanan.

ROMMEL PLACENTE:Naturingang big stars sina Maja Salvador at Piolo Pascual pero wala rin silang nagawa para umangat sa rating ang dati nilang show na Sunday Nootine Live. Na dahil nga sa poor rating nito,naging dahilan para magdesisyon ang producer nito na si Albee Benitez na tsugihin na lang ito sa ere. Hindi rin naman nito nababawi ang production cost sa show na milyon-milyon talaga ang lumalabas sa kanya.

Bilang isang producer,natural na umasa ka na kikita ka, di ba? Lugar na patuloy na malugi,might as well na itigil na nga ang pagpapalabas ng nasabing Sunday variety show ng TV5 Sa sinabi ni Mr. M na nahihiya siya na inaya pa niya sina Piolo at Maja na tanggapin na mapabilang sa SNL, at least, naramdaman niya ‘yun.

Sa sarili naming opinion, mali rin naman siya na tinanggap niya na maging direktor ng SNL to think na katapat ito ng ASAP Natin ‘To,na dating siya ang direktor . Nadamay pa sina Piolo at Maja.

Sa pagkawala ng SNL sana muling mag-produce ng show si Albee sa Kapatid network at kunin niya uli sina Maja at Piolo.Kung hindi kasi, ay magiging nganga na ang career ng dalawa sa telebisyon.

How true wala nang balak ang ABS-CBN na bigyan ng show ang dalawa?

Pero sana sa susunod, ay maging mautak na si Albee sa paglabas ng pera, na hindi siya magbabayad ng malaking talent fee sa mga artistang kanyang kinukuha.

ROLDAN CASTRO: Bilog talaga ang mundo. Tingnan mo ‘yung ASAP na tinapatan ng SNL ang siyang papalit sa timeslot ng natsuging musical,variety show ng Singko.

Narito ang bahagi ng official statement; Mapapanood na sa TV5 simula sa Linggo, Enero 24, 2021, ang longest running Sunday noontime variety show ng Pilipinas na “ASAP Natin ‘To,” at ang “FPJ: Da King” simula alas dose ng tanghali.

Simula pa nang una itong umere noong 1995, itinatampok ng “ASAP Natin ‘To” ang pinakamagagaling na performers para maghatid ng best concert experience, sa pangunguna nina Martin Nievera, Zsa Zsa Padilla, Gary Valenciano, Sarah Geronimo, Erik Santos, Ogie Alcasid, at Regine Velasquez-Alcasid.

Bukod sa “ASAP Natin ‘To,” ieere din ng TV5 ang “FPJ: Da King” na nagtatampok sa mga pelikula ni “King of Philippine Movies” Fernando Poe Jr. Mapapanood na ng fans ni Da King ang “FPJ: Da King” tuwing Linggo sa TV5, mula 2:00 PM hanggang 4:00 PM.”

Ito ay collab ng CIGNAL, TV5, Brightlight Productions, at ABS-CBN .

Paano na sina Piolo Pascual, Maja Salvador ? Naiwan na ba sa ere?

Leave A Reply

Your email address will not be published.