Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Piolo, Maja ‘sampal’ ang tsuging show

0 6,994

ROMMEL PLACENTE:Anong nangyari sa mga shows ng TV5 at isa- isang natsutsugi sa ere? Nauna na ngang namaalam ang Chika Besh nina Pokwang, Pauleen Luna at Ria Atayde. Nasundan ito ng Real Time ni Luchi Cruz Valdes at I Got You nina Beauty Gonzales, RK Bagatsing, at Jane Oineza.

Kahapon,January 17, ang last airing ng Sunday Noontime Live (SNL) hosted by Piolo Pascual, Catriona Gray, Jake Ejercito, at Maja Salvador .Ganoon din ang gag show nina Ritz Azul, Jason Gainza, Miles Ocampo, Joshua Colet, Sunshine Garcia at Wacky Kikay na ‘Sunday Kada’. (Babalik daw ang gag show na ito para sa Season 2).

Ang pagsasara ng show nina Papa P, Maja, Catriona ay iisa lang ang ibig sabihin, na hindi ito nagri-rate, di ba? Kung mataas kasi ang rating ng isang show o maraming nanonood dito ay hindi ito tsutsugiin.

First time ni Catriona na magkaroon ng regular show with Piolo pa,pero hindi naman nagtagal sa ere.Iisa lang ang show nila sa Kapatid channel tapos ay nawala pa.

Maisipan kaya nina Piolo at Maja na bumalik sa ABS- CBN? Pero ang tanong, tanggapin pa kaya sila? Hindi kaya masama ang loob sa kanila ng Kapamilya network, dahil tumanggap sila ng show na katapat pa ang ASAP Natin ‘To, na dati nilang kinabibilangan?

Just asking.

RODEL FERNANDO: Mahal ko si Papa P kaya nalungkot ako nang mabalitaan ko na tsugi na ang kanilang Sunday noontime sa TV5 show na SNL. Kahit sabihan pang malalaking artista sila na bumubuo ng programa ay hindi nakatulong para kagatin ito ng viewers. O, baka naman talagang one season lang ito at sumubok lang ang Brightlight Productions?

Kungsabagay, malaki rin ang production cost ng show dahil sa mga celebrities palang ay malaki na binabayad. Mula kina Piolo, Maja hanggang kay Catriona ay siguradong napakalaki ng mga TF. Idagdag pa ang bayad sa staff lalo na’t tao halos ni Direk Johnny Manahan. Mas maganda nga siguro na ihinto na ito kesa lumobo pa ang gastos na mahirap bawiin.

Masyado pa ring masakit ang sinapit ng Brightlight Productions (producer ng show) sa katatapos na MMFF 2020. Dahil ang pelikula nilang Magikland na gumastos daw ng 200 million ay wala pa raw umano sa 5 million ang kinita sa nagdaang film festival. Paano nga naman gaganahang pang magprodyus pag ganyan ang resulta di ba?

SM food to go Banner Ad

MILDRED A.BACUD: They started very strong and very controversial dahil talagang sinundan nina Piolo Pascual at Maja Salvador ang kanilang tatay tatayan na si Mr. M na siyang direktor ng nasabing show kahit pa katapat ng ASAP Natin ‘To. Sey ng aming source hindi lamang mga Kapamilya stars ang lumipat kundi halos kalahati umano ng staff ng ASAP.
Hindi raw masisisi ang mga umalis sa Kapamilya dahil nakakalulang times 3 talent fee umano kasi ang offer. Pero may mga ugong na last November na mukhang hindi nga magtatagal ang SNL dahil kabagu bago pa lamang ng show nila ay nagreplay na kaagad last November na ang sabi ay technical problem. Tsika pa ng aming source mahirapan daw talaga ang produ na i-sustain ang ganitong show dahil napakalaki ng production cost .Hindi kayang isalba kahit pa marami-rami na rin ang kanilang commercial load. Aminin natin mga ka-Cuatros kahit pa mas malawak ang sakop ng tv 5 sa free tv kumpara sa A2Z nananatiling loyal ang kanilang advertisers. Yung longevity o staying power pa rin ng ASAP ang nanaig.

Well, on the business side, mabuti sigurong tapusin na rin ang mga programang ito kesa naman labas nang labas na lang ng pera ang producer.

ROLDAN CASTRO: Grabe ‘yung mga basher nina Papa P, Maja , Catriona. Sampal daw sa kanila ang pagkasibak ng show dahil hindi nasundan ng isa pang season ang programa.

Pero hindi kailangang isisi sa mga artista kung ano ang kinahinatnan ng show. Binigay naman nila ang best nila.Bongga rin naman ang mga production number ng SNL.

Post ng ilang staff, “we may have lost our home but this family will back u each other forevs.Team Live is Team Love.”

Ito pa ang bahagi ng isang post, “To be honest-we were all caught off-guard with the announcement. Pabangon pa lang ang lahat with this show, when the sudden big blow hit us.

“Still, life has taught us to always roll with the punches, and see the silver lining in every situation.”

Siguro, pag-aralan na lang ng Brightlight Productions kung ano ang kulang at kailangan pang gawin para sa susunod nilang proyekto. Dagdagan din nila ng promo kung ano ang nangyayari sa show weekly. Dapat may mga naglalabasan ding review sa print at social media para lalong mahatak ang mga manonood sa TV5.

Anyway, speaking of Sunday Kada nilinaw ng aming source na may season 2 sila. Ito raw ang nagre-rate sa mga programa ng Brightlight. Balik-taping daw sila sa Pebrero .

‘Yan ang abangan.

Leave A Reply

Your email address will not be published.