Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Piolo may atraso kay Bea

0 315

NI:ARCHIE LIAO

May ilang rebelasyong pinakawalan si Bea Alonzo nang maging panauhin siya ni Enchong Dee sa kanyang vlog.

Sa kanilang kolaborasyon, sinariwa nila ang kanilang mga old photos at videos together.

Matalik na magkaibigan kasi sina Bea at Enchong.

Sa isang photo, inalala ng aktres kung paano napasubo sa kanya si Piolo Pascual dahil sa atraso nito sa kanya.

Bagamat hindi masyadong in-elaborate kung ano ang naging atraso ni Papa P kay Bea, natunugan ng netizens ang umanoý pambibitin ng actor sa shoot ng isa nilang pelikula.

Nagtawanan ang dalawa at umani ng iba’t-ibang komento sa social media ang naging pagtatapat ni Bea.

SM SuperKidsDay Banner Ad

“Nilibre ako ni Piolo sa club,” aniya.”Lumabas kami tapos si Piolo, may atraso sa akin si Piolo nun. Sabi ni P, ‘Babawi ako, babawi ako’, nilibre niya ako tapos ang mahal dun sa club na yun tapos kumuha siya ng couch,” pagbabahagi ni Bea.

Ibinuking din Bea kung paano naging wild si Piolo noong mga panahong iyon.

“Si P sumasayaw dun sa ano, sa gitna, kala mo siya si Iñigo,” dugtong niya.

Tinanong naman ni Enchong si Bea kung paano sumayaw ang actor sa pamamagitan dito ng kanyang nahulaang dance moves ng actor na ikinahagalpak ng tawa ng aktres.

Marami naman ang nainggit sa closeness nina Bea at Enchong.

Reaksyon ng mga netizens .”This is so fun to watch! Smiling and laughing till the end!”

“Ganito yung gusto kong boy bestfriend, walang malisya lahat.”

“Bea is so blessed to have you Enchong as her one of her best friend. I envy your friendship. Love you both.”

Leave A Reply

Your email address will not be published.