Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Piolo ‘naelya’ kay Alessandra

0 78

Usap-usapan ang isang eksena sa Netflix movie na pinagtambalan nina Piolo Pascual at Alessandra de Rossi.

Napansin kasi ng mga mahadera at mga beki ang unguarded moments ng dalawa under the stars kung saan habang nakahilata si Papa P. ay pumitlag ang kargada nito.

Sey ng ilang katkatera, na-arouse raw ang Felix Bakat ng aktor.

Hirit nila, marahil daw ay na-turn on o naelya si Papa P kay Alessandra.

Bukod sa nabanggit na eksena, may isang sequence pa sa naturang movie na nabosohan ng aktres ang kanyang ka-partner.

Nang maurirat naman si Alex sa nasabing eksena, hindi raw niya napansin ang ganoong galawan dahil busy siya sa pagi-edit ng kaniyang directorial debut.

Mega protesta naman ang ilang faney dahil para sa kanila, mas hamak na kaelya-elya raw ang ex ni Piolo na si KC Concepcion kesa kay Alessandra.

Para sa kanila, kainis si Alex dahil nakaiskor ito kay Papa P.

Dagdag pa nila, dapat reserved lang daw ang hotness ni Papa P kay KC na bukod sa nagmumura ang alindog ay super hot din at hindi bland.

Vice mahina ang resbak

Sa isang segment ng It’s Showtime, hindi pinalagpas ng isang netizen ang pagbibiruan nina Vice Ganda at Vhong Navarro na may mga salitang double ang meaning.

Hindi rin nagustuhan ng isang konserbatibong netizen ang pagsasabi ng komedyante na dapat daw ay itinuturo sa mga kabataan ang tungkol sa sex education kasama na ang paggamit ng condom kahit sa murang edad.

Hindi rin katanggap-tanggap sa kanya ang green jokes ni Vice na para sa kanya ay masamang ehemplo sa mga kabataan.

Dinaan naman ni Vice sa maling spelling ng pangalan ni Vhong ang kanyang resbak sa netizen

Umani naman ng samu’t-saring reaksyon sa netizens ang buwelta ni Vice sa nabanggit na Twitter user.

Ito ang ilan sa kanilang mga komento.

“May point naman sila Meme and Vhong. Di naman na natin mapipigilan mga kabataan gawin yung mga bagay na ‘yun. Ang magagawa nalang natin is to educate them kung panu maging responsible sa mga actions na gagawin nila. Kasi kung tutuusin mahirap na talaga. Di na natin mababago yun.”

SM SuperKidsDay Banner Ad

“Kaya nga nagkakaroon ng unwanted pregnancies eh dahil sa mga ganyang thinking na kapag sinabihan about sex education and using some stuffs eh imoral na, its not about encouraging the youth but educating them, magkaiba yun kaya wag magmalinis naman manong, ayaw kita ka bonding pwe”

“Dinaan na lang sa pagsita ng spelling. Wala nang nasagot.”

“The comeback is too weak! Mas maganda pa kung deadma na Lang siya.”

“Kapag kaya nagcorrect na lang ng grammar at spelling ngayon, ibig sabihin wala kang maisagot na iba. Ibabash mo na lang yung sentence construction. waley yung banat ni vice”

“Lame reply. Truth hurts te. Both of you should act your age.”

Ivana bumigay na

Nakipagkulitan si Ivana Alawi sa vlog ng kanyang kapatid na si Hash.

Habang nilalantakan nila ang spaghetti at chicken na inorder sa isang food chain, umentra naman sa eksena ang nanay nilang si Mama Alawi.

Sa kanilang tsikahan, naitanong ni Hash ang kahulugan ng salitang ‘marupok’.

Paliwanag ng ina, ang salitang marupok ay kung ang isang tao ay nasa relasyon na ngunit bumibigay pa rin sa ibang tao na nagpapakita ng motibo.

Sinalungat naman ito ni Ivana dahil para sa kanya ang basa niya sa interpretasyon ng ina ay isang taong ‘malandi.’

Nauwi naman sa pagtatalo ang kanilang usapan kaya minabuti nilang humingi ng opinyon sa netizens upang maging sila ay maliwanagan sa kahulugan ng salitang ‘marupok’.

Pareho namang nakakuha ng puntos ang mag-ina.

Ang ilan ay sumang-ayon sa halimbawa ni Ivana habang ang iba naman ay nagsasabing tama rin naman ang ehemplong ibinigay ni Mama Alawi.

Palaisipan naman sa ilang netizens kung kanino bumigay o naging marupok ang actress at Youtuber.

Leave A Reply

Your email address will not be published.