Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Piolo nag-yayo kay Scarlet

0 121

NI: ARCHIE LIAO

Marami ang naaliw sa post sa Instagram account ni Scarlet na hina-handle ng mga magulang niyang sina Hayden Kho at Dra. Vicki Belo.

Ipinakita kasi roon ang bonding nina Scarlet at ng actor na si Piolo Pascual.

May caption pa itong ibinebenta ng bata si Papa P. bilang babysitter.

“Kuya @piolo_pascual has discounted pandemic rates for his babysitting services! Book now! I’m his agent,” caption niya.

Sey naman ni Piolo: “I think it’s the other way around… didn’t you babysit me?”

Sa kanya namang Instagram account, nagbahagi rin si Dra. Vicki ng “then and now”photo set nina Scarlet at Papa P. noong baby pa ang batang celebrity vlogger.

“Five years later and @scarletsnowbelo’s wish finally came true! Thank you @piolo_pascual for being Scarlet’s yaya for the day,”ani Dra. Vicki.

Dumagsa naman ang offers kay Piolo sa momshie followers kung puwedeng mag-yaya rin ito sa kanilang mga anak, kahit part time, lalo na sa mga working mothers.

May ilan namang kibitzers ang nakapansin ng sobrang closeness ni Piolo kay Scarlet dahil sa pag-aalaga nito sa bunso ng celebrity doctors.

Hirit tuloy ng iba, sabik na raw si Piolo na sundan ang kanyang anak na si Inigo.

Anila, it’s about time na daw na at 44 ay lumagay na sa tahimik ang actor at mag-raise na ng sariling family.

Leave A Reply

Your email address will not be published.