Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Piolo nagmukhang dugyot

0 139

Sa vlog ng dating personal assistant ni Piolo Pascual na si Moi Bien, ipinakita ng Kapamilya actor ang kabuuan ng rest house niya sa Mabini, Batangas.

Ibinahagi ni Papa P kung gaano siya ka hands-on pagdating sa mga gawain sa kanyang rest house

Sa katunayan, siya mismo ang nagtatanim ng iba’t-ibang klase ng mga halaman sa paligid ng kanyang property.

Sey pa ni Papa P., mula raw nang magka-pandemic at nakulong siya sa lockdown, naging plantito na siya kaya natuon ang kanyang panahon sa pag-aalaga ng mga halaman.

Marami naman ang natuwa sa kulitan ng dating mag-amo.

Ipinakita rin sa nasabing episode ang pagiging simple ng actor sa kanyang pamumuhay.

Wala rin itong kaarte-arte dahil katulong din ito sa renovation ng kanyang rest house.

Hindi rin ito masasabing vain dahil lagi itong nakahubad at keber lang ito kung madumihan o magmukhang dugyot sa kanyang ginagawa.

Isa-isa ring binahagi ni Piolo ang detalye ng bawat bahagi ng kanyang bahay na kanyang idinisenyo.

Ito naman ang ilang komento ng mga netizen sa ipinasilip nina Moi at Papa P.:

“This man is so nice & humble, wlang ere..no wonder Ms. Moi and other helpers are quite comfortable with him, even his son gives off the same vibe. Someone you can you tell that grew up from a good family.”

“Grabe. parang hindi lang bahay, it’s a sanctuary! Puwede na akong ma stuck dyan haha tapos si Papa P lang kasama such a total package!”

“Great to see this side of him! Really humble & kind. Thanks for this Ms. Moi! Ang bait ni Papa Piolo. Thanks for sharing your house. Love it, especially the view. OMG more blessings to you and to your family. Thank you, Moi Bien, so happy to watch your vlog.”

Leave A Reply

Your email address will not be published.