Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Piolo nangitim ang paa

0 304

NI: BETH GELENA
MARAMING naiinggit sa kapalaran ni Moi Bien, ang dating personal assistant ni Piolo Pascual.

Matagal na nanilbihan si Moi kay Papa P.kaya alam na alam na niya ang likaw ng bituka ng guwapong aktor.

Sa vlog ni Moi ay makikitang tinu-tour siya ng aktor sa rest house nito sa Batangas.

Bawat sulok ng mansion ay ibinabahagi ni Papa P kung gaano siya ka-hands-on pagdating sa mga gawain doon.

Si Moi na feeling jowa si Papa P ay walang ginawakundi yapusin at amuy-amuyin ang aktor.

Biniro pa ni Moi si Papa P na nangngitim na umano ang mga paa ng aktor dahil sa katatanim ng mga halaman

Eto ang ilan sa mga komento na aming nabasa sa vlog ni Moi.

“This man is so nice & humble, wlang ere..no wonder Ms. Moi and other helpers are quite comfortable with him, even his son gives off the same vibe.”

“Someone you can you tell that grew up from a good family.”

“Grabe. parang hindi lang bahay, it’s a sanctuary! Pwede na akong ma stuck dyan haha tapos si Papa P lang kasama such a total package!”

Kinaiinggitan talaga ng netizens si Moi dahil tinulungan din siya ni Piolo na matupad ang isa niyang pangarap ang makapagtapos ng pag-aaral.

Ngayon ay isa na siyang degree holder matapos siyang makapag-enrol sa culinary class.

Leave A Reply

Your email address will not be published.