Abante Tonite Interactive

Piolo pang-Vilma Santos ang akting

Piolo Pascual
0 4,030

Dahil nga ang sa­tellite feed ng ­singing contest na palagian kong pinapanood tuwing Lunes at Martes ay na-Mercury Retrograde yata, pinanood ko ang Since I Found You, ang primetime serye kung saan may alegasyon na super pabebe at OA daw si Arci Muñoz at papable as ever si Piolo Pascual.

Bilang Dani, matitiis mo naman ang pagganap ni Arci. Masyado namang mataas ang expectations niyo kung inaakala niyong she can muster a Bea Alonzo or channel her inner Julia Montes. Parang pang woman child ang atake niya sa kanyang katauhan at siguro, ‘yun ang utos na kanyang gawin. Nasa tama naman ang kanyang pagganap lalo na nga’t grabe ang pantutulak sa kanya palayo ni Nathan, ang katauhan ni Pascual.

Si Nathan naman, in full Vilma Santos school of acting ang drama. La­ging high strung. Sigaw kete sigaw. May dinner confrontation scene, pinagsisigawan ang mga kapatid niya.

Porke siya ang pa­nganay na anak at ang mga kapatid niyang ‘di niya pala ‘kakampi’, na ginagampanan nina Isabel Oli, Cholo Baretto at Kate Alejandrino, pinalayas niya habang sila ay naghahapunan at yes oh yes, ilang octaves high na naman ang kanyang pagsigaw.

Affecting si Oli habang nagpapaalam na siya sa kanyang Kuya Nathan pero as always, sumi­sigaw na naman si Nathan. Dapat siguro Sigaw o kaya Patayin Sa Sigaw ang Siyota at Mga Kapatid Ko ang pamagat ng evening drama, huh!

Ako lang siguro ito pero parang ang mga noo ni Papa P, walang linya at hindi nalulukot at kahit nga may tiim bagang moment naman siya, ang mukha niya, guapo pa rin talaga siya kahit nagsusumigaw na with mat­ching pagpalo pa ‘yun sa mesa to emphasize na ‘di lang siya galit, kundi galit na galit.

Ako ang napagod sa pag-arte ni Pascual kaya bago pa ako ma-drain in a major, major way, pinanood ko na lang ang isang Japanese movie with subtitles.

Sana naman, kung may pagkakataon akong muli na mapanood ang romantic drama series ni Papa P, mas magugustuhan ko pa kung Jaclyn Jose method naman ang gamitin niya, monotone lang pero may impact o kaya pang Superstar Nora Aunor naman, matang nangungusap lang, kuha mo na. Vilmanian siguro si Piolo kaya pang Vilma Santos ang akting niya.

Bae winner ng Eat Bulaga may video scandal?

May bago na namang video scandal. At sa totoo lang, parang calculated at measured ang pagpapasabog tungkol dito. Alam mong pinag-aralan at alam na alam mong gustong mapag-usapan.
Kasi ang unang pinagpiyestahan, nude pictures muna ang sharing in the pink city. Siyempre, ang mga maricon, bitin na bitin sa pitikim ni Adan.

Sa aking pananaliksik, umamin raw ang baguhang aktor na best na in paggiling, at best pa sa pagkanyod na siya nga ang la­laking bida sa larawan.

Lalaki naman siya, walang masyadong mawawala kaya ang mga sumusuporta at sumusu­baybay sa kanyang karerang parang sila-sila lang ang nakakaalam, go for gold pa rin.

Ang inaasahang apoy na papaso sa lahat matapos ang pag-amin, wala lang, limot agad. Kaya nga noong nakaraang linggo, back with a vengeance ang vidcaps niya on-line.

Ang diva that you love, sa aking personal message in box, ang Skype video na 1:09 (1 minute, 9 seconds) kung saan hubo’t hubad ang aktor while playing with his joystick, may nagbahagi sa akin. Walang duda na isa lamang ako sa maraming nakapanood na sa nasabing kapangahasan.

Malinaw ang video, ang lugar where he did, maliwanag kaya ang kanyang kahubdan, kitang-kita, pati na ang mga tattoo sa kanyang dibdiban at ari-arian.

Mahihirapan niya sigurong itanggi na siya ang bida sa bidyo dahil ang kanyang pangalan sa upper left corner ng screen, for a second or two, iyong mababasa at ang baguhan aktor, ang kamay na sumasakmal sa kanyang palo-palo, patuloy ang pagtaas baba, Mariang Palad kung Mariang Palad moment or kung gusto niyong mas sosyalin, spanking the money at sarap na sarap ang bruho sa pagpapaligaya niyang video document.

Pagiging documenta­rian kaya ang naiisip niyang alternatibong karera kung saka-sakali? Hahahaha.

Matapos kong panoorin ang bidyo, I cannot help but wonder, si Kenneth Medrano nga ba ang la­laking mapangahas?

The WHO si Kenneth Medrano? Ang harsh niyo sa kanya, dear Abante Tonite readers. Siya lang naman ang grand winner sa That’s My Bae ng Eat Bulaga at araw-araw siyang nagsasayaw sa show at nagiging bida sa Lenten special nila, isa rin sa bida sa dating mor­ning serye na TROPS, the WHO pa rin siya para sa inyo? Kaya naman pala binuyangyang na ang ipinagkakatago para finally makilala niyo na siya. Hahahaha!

Alam naman natin ang mangyayari rito, magiging mausisa ang mga maricon sa bidyo tapos, bago pa mapukaw ang pag-iinit nating lahat, bagong bidyo scandal na naman na mas nakakapanabik kesa sa kanya.

Sa bida sa bidyo, nawa’y may aral kang mapulot sa kapangahasang mong ito.