Abante Tonite Interactive

Piolo Pascual hinihintay na ang balikan kay Juday

By
1,006

Sa farewell presscon kahapon ng ‘Since I Found You’ ay nabanggit ng direktor ng serye na si Antoinette Jadaone na dream project niya na maidirek sina Judy Ann Santos at Piolo Pascual.

“Gusto kong magawa ng pelikula sina Piolo-Juday. Super fan po ako ng Piolo-Juday (loveteam), ‘yung Till There Was You and Don’t Give Up On Us. College ako nu’n. Kaya ako nag-apply kay Direk Joyce (Bernal), eh, dahil ‘yun ang napanood kong mga pelikula. Rom-com (romantic-comedy). Kaya ko gusto ng rom-com,” pahayag ni Direk Tonette.

May concept na nga raw siya pero hindi niya raw alam kung kailan ba matutuloy.

Abante Hiring – IT dep

“Tamang time, panahon, timing,” ani Direk Tonette.

Kaya naman agad-agad ay nahingan na rin ng reaksyon si Piolo kahapon since naroroon din sa presscon ang aktor.

“Oo naman,” sabi agad ni Papa P, “tagal na ‘yan, naghihintay lang kami ni Tonette.”

Hangad ng aktor na talagang sana raw ay matuloy na talaga ang reunion movie nila ni Juday.

“Sana mangyari bago naman kami tumanda ni Juday, matanda na nga kami, hindi pa nga nangyayari.

Sana talaga. Naghihintay lang ako, naghihintay lang kami lahat.”

Ini-reveal din ni Papa P na may material na nga raw para sa kanila si direk Tonette.

“She wrote the script with direk Irene (Villamor), tagal na. Naghihintay lang,” pagkumpirma pa ng aktor.

Ngayong Friday na magtatapos ang Since I Found You at masaya si Piolo na magtatapos ito na sobrang naging close silang lahat ng mga cast at para nang isang pamilya.

“Napaka-light ng set, ng atmosphere. Hindi naman siya highly dramatic so hindi naman siya nakaka-stress din dahil sobrang light,” he said.