Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Piolo Pascual kunsintidor ng DDS – Leah Navarro

0 1,183

RP

Binanatan ng singer at kilalang kritiko ng administrasyon na si Leah Navarro ang naging pahayag ni Piolo Pascual ukol sa pagpunta sa Sagada at Banawe para sa State of the Nation Address ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Sa tweet ni Navarro, tinawag nito na ‘enabler’ o nangungunsinti ng ‘DDS’ o diehard Duterte supporter si Pascual dahil sa pagsama sa shoot para sa SONA.

Sa nasabing shoot, kasama ni Piolo ang direktor ng SONA na si Direk Joyce Bernal, na dati na ring nagsasaayos ng mga taunang talumpati ni Duterte.

Related Posts

“Sadly, Piolo Pascual misses the point. His association with Joyce Bernal, a staunch DDS, ties him to Duterte. He went along to help her do work for Duterte. That makes him an enabler,” ayon kay Navarro, na sinabi pang ang Pangulo umano ang puno’t dulo kung bakit hirap makakuha ng prangkisa ang ABS-CBN.

Sa mga dating pahayag ni Duterte, nialhad nito ang kanyang galit sa Kapamilya network noong hindi maipalabas ang kanyang campaign advertisement noong 2016.

Samantala, nilinaw naman ni Pascual sa kanyang statement na nananatili ang kanyang loyalty sa ABS-CBN, at hindi sa Presidente.

Leave A Reply

Your email address will not be published.