Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Piolo pinagtripan sa aso

0 444

Matagal-tagal na ring walang proyekto si Piolo Pascual kaya naman sa Instagram page na lang niya nakikibalita ang kanyang mga fan ng latest updates sa kanya. Huli pa siyang napanood sa Sunday Noontime Live na natapos last January pa.

Natutuwa naman din ang kanyang tagahanga na lately ay madalas siyang mag-post sa kanyang IG unlike before na bihira talaga since aminado rin naman ang aktor na hindi siya talaga ma-social media.

Kahapon nga ay may bago siyang post na ikinatuwa ng kanyang fans. Ito ay larawan niya kasama ang kanyang alagang aso.

Sa caption ay bumabati lang ng “good morning” si Papa P. pero sapat na ito para matuwa ang kanyang followers.

“Hi Paco ! Hi Papa P! Hello KC!” ang komento ng isang netizen.

Ang Paco na tinutukoy ay pangalan ng alagang aso ni Piolo na ayon sa mga netizen ay pinagsamang Pascual at (KC) Concepcion na ex-girlfriend ng aktor.

Sey naman ng isa pang netizen, “Hi paco nasan c madam kc?”

Marami rin ang natuwa na makita ang bonding moments ni Papa P at ni Paco especially ang mga dog lovers.

Pero sa isang thread ay pinaglaruan ang post na ito ni Piolo at gusto nilang maglagay ng kung ano-anong caption.

Oh well, mga Pinoy talaga, walang magawa!

SM food to go Banner Ad

Rabiya ariba sa Miss U

Sa kanyang latest Instagram post ay muling pinatunayan ni Miss Universe-Philippines 2020 Rabiya Mateo na talagang karapat-dapat siyang tanghaling Miss Universe.

Nag-post ng dalawang larawan niya si Rabiya kung saan ay talaga namang nag-uumapaw ang kanyang kaseksihan at pagka-hot.

“Be the well-wisher and the go-getter at the same time,” ang simpleng caption ni Rabiya.

Binigyan niya rin ng kredito ang kanyang photographer, make-up artist, hair stylist, stylist at iba pang kasama sa team.

As we all know ay kasalukuyang nasa Florida, USA si Rabiya para lumaban sa 69th Miss Universe competition na gaganapin sa May 16 (May 17 in Manila).

Matatandaang pagdating pa lang ni Rabiya sa US ay nagbigay na agad siya ng pangako sa mga Filipinos na gagawin niya ang lahat para maiuwi ang korona.

“Pinapangako ko po na gagawin ko ang lahat ng posibleng gawin para maiuwi ulit natin ang korona sa bayan. Mahal ko kayo, at please po, ipagdasal niyo ako at suportahan sa laban na ito,” pahayag ni Rabiya.

In one of her recent interviews ay sinabi rin ng beauty queen na handang-handa na raw siya sa pageant.

“I would say that I’m 95% ready but there are still a lot of things to be polished. But I’ve done everything. In my heart I know I’ve poured all the energy in my system,” she said.

Leave A Reply

Your email address will not be published.