Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Piolo, Rica pinag-usapan dati ang kasal

0 75

NI: VINIA VIVAR
Nagkaroon pala talaga ng ‘something’ before sina Piolo Pascual and Rica Peralejo. Ito ang inamin ng dating aktres sa kanyang latest YouTube vlog titled “Answering Your Questions & Assumptions About Me (My Showbiz Life).”

Aniya, isa raw sa napakaraming tanong talaga sa kanya ay kung naging sila ba ni Papa P (tawag kay Piolo).

Ang sagot ni Rica ay “yes and no.”

Paliwanag niya, “Yes, in the sense na ang deep naming dalawa with each other. But we never put a label on ourselves. Never namin binigay iyon sa isa’t isa.

“Tapos, hindi rin kami umamin sa public about dating or liking each other. I’m not sure kung umamin siya. Meron ba? Pero ako, I don’t recall saying. . . kasi I’ve been asked by several reporters about it, pero never kong sinabi na ‘oo, kami’ ganyan.”

Ayon kay Rica at that time ay hindi rin daw niya kasi alam kung ano ba talaga sila pero dumating sa puntong pinag-usapan daw nila ang marriage.

SM food to go Banner Ad

“At that time, what I would remember is that, hindi ko rin alam talaga kung ano nga ba kami. But it was very clear to us that we liked each other a lot. We would talk about the future like being husband and wife and all that.

“But, you know, I did that also with Bernard (Palanca, her ex-boyfriend). Ganoon naman pag may somebody ka na you want to be serious with. Sometimes, you can’t help but move forward with your thoughts na parang, ‘When that day comes…’ and all. I’m not going to say that I was the only one na ganoon sa buha niya,” ani Rica.

Pero klinaro rin niyang hindi naman dumating sa point na nag-propose sa kanya si Piolo. “Waley talaga,” she said.

Sa description box ng vlog ay may idinagdag din si Rica about Papa P.

“I forgot to share that Piolo was the one who first invited me to church, together with Dante Nico Garcia! And I think that was largely the purpose of Piolo in my life. To bring me closer to God, and when I met Jesus, I realized this was the Man I needed to get to know in my life at the time.

“And for that, I will be forever grateful to Piolo, for bringing me one step closer to the truest love of my life! (Pasensya na, naka-ilang battery change na ako when I was answering that question so parang pagod na ako sumagot hahahaha),” ang saad ni Rica sa description box.

Leave A Reply

Your email address will not be published.