Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Piolo suko sa dyowa ni Pia

0 116

Sa kanyang vlog, natanong ng talent manager turned vlogger na si Ogie Diaz si Piolo Pascual tungkol sa engagement ni Pia Wurtzbach sa British boyfriend nitong si Jeremy Jauncey.

Si Pia kasi ang leading lady ni Piolo sa sitcom nitong “My Papa Pi.”

Ani Papa P, clueless daw siya na engaged na ang kapareha.

Sa social media lang daw niya nabalitaan ang bagong estado nito.

Dagdag pa niya, hindi rin daw nagpaalam sa kanya si Queen P.

Gayunpaman, okey na raw naman siya at masaya siya sa masayang estado ng puso nito.

Sey pa niya, marami raw namang beauty queen sa paligid.

Biro pa niya, wala rin daw siyang laban sa nobyo nitong si Jeremy dahil magaling itong mag-ingles.

Sa tanong naman kung kelan niya balak lumagay sa tahimik, aniya, settled na naman daw siya.

Hirit pa niya na may halong pagbibiro, bata pa raw siya at wala pang balak mag-settle down.

Leave A Reply

Your email address will not be published.