Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Piolo ‘sumipsip’ kay Sharon

0 335

Sa vlog ni Dr.Vicki Belo, dinalaw ng doktora at ng kanyang mister na si Hayden Kho si Piolo Pascual sa kanyang bahay sa Batangas.

Inilibot naman ni Piolo ang dalawa sa kanyang itinuturing na paraiso.

Ayon kay Papa P, ito na raw ang tahanan niya ngayon dahil araw-araw daw siyang umuuwi rito kahit may mga miting o commitment siya sa Maynila.

Sa panahon ng quarantine, blessing in disguise daw ito sa kanya dahil marami siyang “me time” sa sarili.

Naging oportunidad din daw ito para makapag-travel siya sa Boracay, Baguio at Palawan at sa iba pang lugar nang walang hassle na hindi pinagkakaguluhan ng fans.

Papa P enjoy na Probinsyano

Priceless din daw ang quiet moments na ginugugol niya sa kanyang haven na dating dive resort.

Ibinahagi rin niya na sa open space overlooking the beach siya natutulog na walang kama o kumot at nakahubad.

Ibinida pa niya na ipinagiba niya ang mga partisyon ng mga kuwarto dahil balak niyang gawing earth village ang nasabing resort kung saan may sustainable programs siya sa homegrown crops, poultry at iba pa.

Bumilib naman ang mag-asawa kay Piolo dahil ito ang nag-aayos ng bawat detalye ng resort.

Siya rin daw ang tumatayong karpintero, hardinero at taga disenyo ng lugar.

Naurirat naman ni Hayden kung bakit wala pang asawa ang aktor.

Sey ni Piolo, kasal na raw siya sa kanyang trabaho pero sa totoo lang, gusto pa rin daw niyang mag-asawa.

Naitanong din kay Piolo kung na-Totga na ba siya at inamin naman niyang nangyari na ito sa kanya.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Hiningan din siya ng doctor ng ligaw tips para sa kapakanan ng kanilang YT viewers.

Para kay Piolo, old school at naniniwala raw siya sa ligawan.

Sa mga naging girlfriend daw niya, sinuyo raw niya at na naging “sipsip” sa mga magulang nito. So, posibleng naging sipsip ang aktor kay Sharon Cuneta nu’ng sila pa ni KC Concepcion.

Hanap daw niya sa future partner ang maunawain, mapagbigay at marunong makinig.

Bea mag-aasawa sa edad 36

Naging panauhin ni Ethel Booba si Bea Alonzo sa kanyang vlog.

Ani Bea, laki raw siya sa hirap kaya hindi siya naging bulagsak pagdating sa kanyang pananalapi.

May maipagmamalaki raw siyang naipundar sa showbiz dahil sa gabay ng kanyang ina na isang masinop na tao.

Pili rin daw ang kanyang mga kaibigan at mga espesyal na tao sa kanyang puso dahil ayaw daw niya sa mga taong toxic.

Ayaw rin daw niya sa taong sobra siyang pinupuri na tila too good to be true na ang drama. Di rin niya type iyong mga taong naninira sa kapwa sa harap niya dahil alam niyang ang mga ito naman ang magnenega sa kanya kapag siya’y nakatalikod.

Gusto raw ni Bea na magkapamilya three years from now o sa edad na 36 .Kung hindi na raw siya puwedeng magdalang tao, willing siyang mag-adopt ng surrogate mother na magdadala ng kanyang egg.

Ikinuwento rin ni Bea na sa mga naging leading men niya, tanging si Zanjoe Marudo lang ang nanligaw sa kanya at naging dyowa.

Pinaka-hot sa mga naging leading men niya si John Lloyd Cruz dahil bilib siya sa pagiging intelihente nito.

Katunayan, kung sakali raw na magkakarelasyon sila, ayaw na niyang dumaan pa sila sa ligawan o magdyowa stage kundi kasalan na agad o bilang mag-asawa.

Leave A Reply

Your email address will not be published.