Abante Tonite Interactive

Piolo tigil na sa paggawa ng serye

By
1,863

Sa press launch ni Piolo Pascual para sa kanyang bagong endorsement na MegaPro Plus and MegaSound Karaoke System with Wacky Kiray na ginanap last Thursday, ibinalita ng aktor na last two weeks na lang ang serye nila ni Arci Muñoz na Since I Found You.

“On August 3, it’s gonna be our last day, so in two weeks’ time, we’re done and I can focus more on movies and other stuff,” pahayag ni Piolo.

Natutuwa raw siya na naging maganda ang feedback sa serye at nakatapos siya ng isang soap kahit na napakahirap gawin.

Sa buong panahon nga ng pagsasaere ng serye ay maingay ang loveteam nila ni Arci at ani Piolo ay huwag na raw nating bigyan ito ng kulay.

“Pusa kasi ‘yang si Mona, eh. Pero okay naman, okay naman. Masaya ako kay Mona and she’s very eager to do more, learn more, and minsan po nag-a-ASAP kami. And si Mona kasi, she’s a baby bilang bago siya sa ABS-CBN,” sey ni Piolo.

Hindi naman kaya siya pagselosan ng boyfriend ni Mona?

“Si Anton? Hindi naman, okay naman sila. Sana,” natatawa niyang sambit. “Wala namang balita, hindi naman namin pinag-uusapan.”

After ng SIFY ay hindi na raw siya tatanggap ng teleserye at sa pelikula na siya magko-concentrate. May dalawa raw siyang naoohan na proyekto.

Nakatango rin daw siya ng isang pelikula with Star Cinema at naghihintay pa raw siya ng konsepto.

Ang teleserye raw ay ibibigay na niya sa mga bata.

“Okay na. Ang dami kong gustong gawin, eh. Kung magso-soap ka, wala kang buhay. Bigay na natin sa mga bata. Gusto kong gumawa ng ibang bagay.”

Ang love life?

“‘Yun, baka pwede na akong magkaoras ngayon. Kasi umuuwi lang talaga ako para matulog, eh. Minsan, hindi na ako umuuwi, eh.”

May prospect ba siya?

“Wala,” natatawa niyang sagot.

Happy lang si Papa P. na marami pa ring dumarating na endorsement sa kanya at marami pa ring nagtitiwala sa kanya.

“I’m just really happy and thankful kasi nga, meron pa pala tayong mga nakukuhang mga ganito kahit na medyo nagkakaedad tayo. I’m just happy that you know, the trust is still there.”

Meg mabigat ang pinagdaanan nang mamatay ang ama

Bihira ang nakakaalam na may mabigat palang pinagdaanan si Meg Imperial kaya medyo nawala siya sa limelight.

“My dad passed away last year and I’ve been going­ through a lot since that day,” pahayag ng aktres sa presscon ng bago niyang pelikula sa Viva Films, ang Jacqueline Comes Home (The Chiong Story) with Donnalyn Bartolome.

“I’m fixing everything since siyempre, alam naman­ po, she’s (her mom) not used to be alone dahil kahit taping, magkasama sila. Driver ko dad ko and my mom is my PA (personal assistant).

“So, nandu’n ‘yung I’m supporting my family, I make sure na strong ako, so that hindi ako mag-collapse. I’m the breadwinner so they expect me to be strong and be there for them,” she said.

Pero nilinaw naman ni Meg na hindi naman siya tumigil sa pagtanggap ng project since kailangan nga niyang magtrabaho being the breadwinner.

“So, I have to work hard for them. Now, I’m really thankful lang sigu­ro na sobrang timing ng pagbibigay sa akin ng Viva and boss Vic (del Rosario, Viva’s big boss) ng project dahil I feel more positive and mas naa-appreciate ko ang dumadating sa akin dahil sa something na nawala sa akin.”

Ginagampanan ni Meg sa Jacqueline Comes Home (The Chiong Sisters) ang papel na Jacqueline Chiong at nakababatang kapatid naman niya ang karakter ni Donnalyn na si Marijoy.

Base sa true story ang pelikula na naganap sa Cebu noong July 16, 1997 kung saan, habang naghihintay sa waiting shed ang magkapatid na masasakyan­ pauwi ay dinukot sila, dinala sa liblib na lugar at doon ay pinagsamantalahan sila ng anim na kalalakihan.

Kinabukasan ay nakita­ na lang ang bangkay ni Marijoy habang hindi naman malaman kung nasaan si Jacqueline.

Ito ang directorial debut ni Ysabelle Peach Caparas na anak ng batikang direktor/nobelista na si Carlo J. Caparas na siya ring sumulat ng istorya at script ng pelikula.

Ipalalabas na ang Jacqueline Comes Home (The Chiong Story) sa July 18 sa mga sinehan. Kasama rin sa pelikula si Ryan Eigenmann na gumanap na isa sa ra­pists at sina Joel Torre at Alma Moreno na gumanap naman na magulang ng Chiong sisters.